Sikat na young actor, nagpasilip ng kadakilaan sa production staff?

ADVERTISING

BLIND ITEM: Pinagpapawisan sa sobrang excitement ang isang production staff na bading sa isang recording studio kung saan nagkaroon ng ilang minutong break. Nag-CR siya, pero na-shock siya, dahil nakatabi niya sa urinal ang nagre-recording na isang guwapo at sikat na young actor sa pag-ihi. Malayo sa urinal daw kung umihi ang bagets, kaya sight na sight niya ang “real property” nito.

“Nako, Mama, nu’ng una talaga, kinabahan ako, kasi baka mabukelya akong bading. Eh, I am Pogay nga ang drama ko, ‘di ba? Kaya habang nakatingala siyang dyumi-jingle bells, ako naman ay nakayuko, pero nakatingin sa ano niya!”

Napa-juice ko ang bading, dahil “Mama, alam mo ‘yung bangkay, pero buhay? Hahaha! Gano’n ang description ko sa ano niya, kaya feeling ko, dakilang-dakilang mangingibig ang batang ‘yan.”

Actually, noon ko pa nababalitaan na ‘pag umiihi ito sa urinal ay hindi talaga nagko-cover, dahil feeling nito ay mga kapwa-barako naman niya ang kanyang kasama, pero siyempre, andami na ngang Pogay, ‘di ba?

Saka kung may kadakilaan nga ang bagets na ito, aba eh, nasa kanya na nga ang lahat.

ADVERTISING

By Ogie Diaz

ADVERTISING