SIKAT NA YOUNG ACTOR, KA-JAMMING ANG SEXY ACTRESS SA PAGDO-DROGA?!

OLA CHIKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo! Hindi n’yo kasi aakalain na magagawa ito ng guwapo at tinitingalang young actor na sikat sa kasalukuyan siyang henerasyon.

Hmm… dahil mga kafatid, noon pa man daw na hindi pa gaanong sikat si guwapong dramatic actor, mahilig na pala ito kay Zsa Zsa Padilla, huh! Hindi po si Zsa Zsa na asawa ni Comedy King Dolphy, ha? I mean, shabu!

Gumagamit nga raw itong si sikat na actor, at masyado nga raw itong lulong. Lalo na ‘pag may taping or out of town show, bago ito isalang ay dapat makagamit muna siya ng shabu.

Hmm… at take note, hindi lang pa siya nag-iisa, dahil pa rin pala si sikat na sexy actress, kasabayan nitong gumagamit ng Zsa Zsa. Naku ha?! Nakakaloka!

Hindi na kailangan ng mga clue dahil given na ito. ‘Di ba bonggacious?! Clue na lang sa sikat na sedxy actress: may kapatid din siyang sexy. O, laban ka? ‘Yun na!

Previous articleShowbiz scandals
Next articleStars Candid: Darna and Super T, meet again

No posts to display