Sikat na personalidad, mahilig sa live sex act – Ogie Diaz

Sikat na personalidad, mahilig sa live sex act – Ogie Diaz

Sikat na personalidad, mahilig sa live sex act – Ogie DiazBLIND ITEM: HINDI namin kinaya ang itsinika ng aming friend na close din sa isang sikat na personalidad.

Alam n’yo bang tini-treat niya ang kanyang entourage? Hindi sa resto, ha? Nagbibigay siya ng tag-isang babae sa mga ito? Partner-partner sila. Pero ang kondisyon, sa harap niya makikipag-sex ang mga ito nang hubo’t hubad.

‘Kalokah, ‘no! Siyempre, dahil puro naman sila barako, eh, wala nang hiya-hiya. Hubad agad.  Pati mga babae, game na game, eh.  Basta kanya-kanya ng partner.

Ang sikat na personalidad, alam n’yo ba kung ano’ng ginagawa? Watch lang siya ng live performance.  Aliw na aliw siyang pinanonood ang mga barkadang nakikipagtsugihan.

Pero eto na ang siste:  nanonood si Sikat na Personalidad, ‘di ba? Pero hindi siya sa katawan ng babae nakatingin, kundi sa mga nota ng entourage niya.

‘Yan lang ang kuwento sa amin, ha? Ayaw namin siyang husgahan, dahil ang alam talaga namin, macho at barakong-barako ang kanyang dating.

Ayaw na rin naming magbigay ng clue, dahil gusto pa rin naming paniwalaan na tunay na barako siya’t hindi badingding.

Erich Gonzales, nagpalaki ng boobs?

SA GUAM PA namin narinig ang comment na, “Uy, katorse pa lang ba ‘yang si Erich Gonzales?”

Siyempre, kahit hindi naman kami close diyan ke Erich, eh, kaya naming sabihing hindi na siya katorse, ‘di ba?  19 or 20 na yata ang lola n’yo ngayon, eh.

“Nagpa-enhance ba siya ng boobs?”

O, ‘yan ang hindi na namin kayang sagutin. Narinig na rin namin ‘yan pero rito na sa ‘Pinas. Hayaan n’yo’t itatanong namin ‘yan ke Erich.  Pero pag hindi n’yo nagustuhan ang sagot niya, pasensiyahan, ha?

Ejay Falcon, tinatanong pa rin ang pag-arte?

ALAM N’YO BANG pati ang pag-arte ni Ejay Falcon ay tinatanong pa rin sa amin, eh, hindi naman namin napapanood ang Katorse?

“Wala na bang ii-improve ang batang ‘yan sa pag-arte?” sey ng isa naming kaibigan sa Saipan (yes, galing din kami diyan).

Honestly, improving naman si Ejay kumpara noon na talagang mukhang tangengot umarte.  Pero pasasaan ba’t gagaling din ‘yan.  ‘Wag kayong mainip.  Kami nga hindi naiinip dahil hindi naman namin hinihintay, eh. He!He!He!

Oh My G!
by Ogie Diaz