Sikat na “novelty comedienne”, feeling prima donna at respeto sa mga beteranong aktor

ADVERTISING

MINSAN NANG ibinunyag ng ilang reporter ang kanilang ‘di kaaya-ayang karanasan sa isang sikat na “novelty comedienne” (SNC), but wait until her once co-worker (OCW) sa ginawa nilang recent movie spills the beans herself!

Ngayong tapos nang maipalabas ang kanilang pelikula ay handa na raw magsalita ang OCW tungkol sa naging work experience niya with SNC. Nega kung nega ang karanasan daw na ‘yon na wala siyang keber kung magalit at ipabarang man siya ng hukbong sandatahan ng mga tagahanga ng SNC at ng partner nito.

Sumusumpa kasi ang OCW na feeling prima donna na raw ang SNC at walang karespe-respeto sa mga datihan nang katrabahong artista.

Da who ang SNC na target ng nagbabadya at nagbabantang pang-ookray ng OCW? Itago na lang natin siya sa alyas na Yasmin Yamashita Dublin.

By Ronnie Carraso III

ADVERTISING
ADVERTISING