Sikat na male personality, nanganganib na matuloy ang pagbabalik-TV

BLIND ITEM: Disturbingly quiet ang isang sikat na male personality, bagay na hindi nakasanayan ng mga taong nakakikilala sa kanya in showbiz circle.

Ilang buwan na kasi siyang hindi visible, in fact, the public—most specially his supporters—can’t wait to see him “resurrected”.

By now nga ay dapat maugong na ang mga detalye ng kanyang pagbabalik tulad ng araw kung kalian siya muling mapapanood, ang format, at time slot nito, among others.

Dinig namin, natameme raw ang personalidad na ‘yon nang sabihang huwag na muna nitong idaldal ang tungkol du’n, dahil should he spill the beans, nanganganib daw matuloy pa ang kanyang long-overdue return.

By Ronnie Carrasco