Sikat na gay TV-host, lulong sa droga?!

ADVERTISING

LEST THAT we be charged with libel, ang source ng aming item na ito ay isang corporate lawyer na mahilig din sa mga kakuwanan sa showbiz.

Isang kamag-anak niya mula sa Marikina City ang nagpapatunay na lulong umano ang isang sikat na gay TV host-comedian sa droga. Madaling-araw raw, sa pagitan ng alas tres at alas kuwatro, kung dumayo sa nasabing lugar ang aming subject. Naroon daw kasi ang source o pinagkukunan ng host-komedyante ng Shabu.

ADVERTISING

In-imagine tuloy namin ang taliwas namang hitsura ng hitad on the basis of our information. Karaniwan naman kasing hooked on drugs ay nanunuyot ang balat, humpak ang mukha, may twitching movements at kung anu-ano pang telling signs.

The irony, however, is that kadalasang hyper ang mga gumagamit ng drugs, bagay na sobra-sobra pa sa kanyang  ikinikilos.

Dagdag impormasyon ng mga aming source, may isang grupo rin ng mga adik ang nakabanggaan ng TV host-comedian for some reason. Huwag sana na ang mga ito ang mag-set up sa kanya sa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) for a possible entrapment.

ADVERTISING

Ang bisyong ‘yon ay walang maidudulot na maganda sa kanyang career.

By Ronnie Carrasco III

 

 

ADVERTISING