Sikat na female TV personality, mag-isang inubos ang isang bilaong pansit at isang box ng ensaymada!

KAPANSIN-PANSIN NA HIGIT pang lumulobo ngayon ang katawan ng dati nang malusog na kilalang female TV personality. Kuwento ng ilan sa mga staff ng department kung saan may mataas siyang posisyon, habang tumatagal ay mas lalo raw kasing nagiging maganang kumain ang female TV personality na ito.

There was a time pa nga raw na narinig ng mga staff na tumawag ito sa telepono para magpa-deliver ng pagkain. Mega-order daw ito ng isang bilaong pansit at isang box na ensaymada.

Na-excite daw ang mga staff na ang akala, magpapameryemda sa kanila ang malusog na female TV personality. Laking gulat daw nila ng pagdating ng inorder na pagkain, sinabi nito sa delivery na ipasok iyon sa kanyang office.

Naloka ang mga staff! Ang malusog na female TV personality lang pala ang kakain lahat ng inorder na ‘yon.

Ganyan!

(By Ruben Marasigan)