Sikat na female personality, pingdududahan ang pagtulong sa kasamahan sa industriya

ADVERTISING

NATURINGAN PA manding organizer ng isang benefit event ang isang sikat na female personality na ito para tulungan ang isang kasamahan sa industriya, but sadly, hindi nakita ng press ang kanyang ipinangangalandakang malasakit.

Matiwasay na nairaos ang isang pagtatanghal kamakailan sa isang dinarayong bar, layunin kasi ng palabas na ‘yon na makalikom ng pondo para maitawid ng isang mahusay na singer ang kanyang problema sa kalusugan.

ADVERTISING

In fairness, the one who made it all possible was all-out in her support. Kaso, nang may ilang miyembro na ng media ang nagtangkang mag-interbyu sa kanya, isinara niya ang pinto ng kanyang kotse sabay dinedma ang mga reporter na may mga nakaumang nang mic.

Tuloy, hindi maiwasang pagdudahan kung sinsero nga ba sa kanyang pagtulong sa kabaro niya ang sikat na female personality na ‘yon na itago na lang natin sa alyas na Mary Jean Velasco.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING