Sikat na aktres, nagpalaglag sa ibang bansa! – Tita Swarding

ADVERTISING

Sikat na aktres, nagpalaglag sa ibang bansa! - Tita Swarding

Sikat na aktres, nagpalaglag sa ibang bansa! - Tita SwardingOLACHIKKA! NGAYON AY another pitik-bulag na naman ang ibibigay ko mga kafatid. Ito ay isang sikat na aktres na kapareha nu’ng blind item namin the other day. Nagpalaglag! Pero hindi ito sa ating bansa nagpa-abort, huh! Naloka rin kayo, ‘no?

ADVERTISING

Sino ba naman ang mag-aakala na sa mala-anghel na mukha ng hitad na aktres na ito ay magagawa niyang magpalaglag ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Kawawang bata.

Hindi kaya nakokonsensya itong sikat na aktres na ito sa mga ginagawa niyang kabaluktutan sa buhay dahil ang tsika sa akin ng aking Parazzi Girl na mismong malapit din kay aktres, kaya pala nagpunta itong si aktres sa abroad at sinabi niyang doon daw siya nag-aral ng ilang buwan ay upang mahasa ang kanyang talento pagdating sa negosyo, huh! Maaga pa lang ay may clue na, ha! Pero nagkamali ang lahat.

[ad#post-ad-box]

Kaya pala nawala si aktres na ito ay dahil doon pala ito nagpalaglag kuning-kuning. Ang tsika, hindi tinuloy ni aktres ang kanyang pagdadalantao dahil hindi na raw sila magkasundo ng kanyang boyfriend na artista rin.

ADVERTISING

Hmmmm..  medyo hindi raw nagkakaunawaan ang dalawa  kaya nagdesisyon na lang ito na magpalaglag, tsk,tsk,tsk.  Nakakaloka talaga si aktres pero mga kafatid, ‘di ba’t may kasabihan na walang lihim na hindi mabubunyag?

Kaya siguradong  maloloka itong aktres na ito kapag nabasa niya ang pitik-bulag ko na ito.

Naku,  hindi na kailangan ng clue dahil bigay na bigay na, ‘no!

May letter “Z” naman sa pangalan ang boylet na nakabuntis kay aktres. ‘Yun na!

MAY DUGONG ARTISTA talaga  ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre dahil pinasok na rin niya ang showbiz. Active na rin si Andre sa pagmo-model ngayon at very supportive naman ang kanyang mga proud parents.

Hindi naman namin napagkwentuhan ni Aiko ang anak nila ni Jom nu’ng ito ay bumisita sa barangay namin at  namigay ng relief goods pero kitang-kita ng mga mata ko na very happy siya, hindi lang sa kanyang career sa politics at sa showbiz  kundi pati na rin siguro sa kanyang  lovelife.

Siguro naman, hindi na rin ito isyu kina  Aiko at Jom dahil very happy na sila ngayon sa isa’t isa as friends, bonggacious ‘di ba?

TILA NAGING “INGAY of the year” ang kasalang Korina Sanchez at Senator Mar Roxas.

Sinabi nila noon na hindi ito bonggacious pero sa mata ng ilang mga kababayan natin ay tila naging magarbo ito.

Anyway,  bukod sa present ang mga socialite ay hindi rin nagpahuli ang mga taga-showbiz, taga-politics at taga-media.

Present ang mga kaibigan nina Ate Koring at ni Sen.  Mar sa showbiz at ito rin ang ilan sa mga hinintay ng mga taong nag-abang.  Hindi rin nagpahuli ang mga kaibigang pulitiko ng dalawa na kahit magkalaban sa partido ay nagsama-sama pa rin, bonggacious  ‘di ba?

‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING