Sikat na aktres, naamoy ang ‘lansa’ ng aktor na nakatrabaho

ADVERTISING

BLIND ITEM: Cute ang kuwentong ito sa pagitan ng isang sikat na aktres at ng isa niyang kaibigan. Aware na rin pala ang aktres na ang aktor na minsan niyang nakasama sa isang pelikula ay nabibilang sa mga sirenang walang buntot (read: bading).

Bigla tuloy naalala ng aktres ang panahong nagdadalamhati siya sa kanyang mahal sa buhay. Pagbabalik-tanaw niya, “Natatandaan ko na ganu’n na lang ang iyak ni (pangalan ng natsitsismis na beking aktor), hindi kaya…?” she paused in mid-sentence.

Ang nais pala niyang sabihin sa kanyang biting pagtatanong ay kung may pagtingin ang aktor sa kanyang loved one (SLN). Moments later, idinaan na lang sa komedi ng aktres ang kanyang siguro nama’y imposibleng sapantaha, “‘Di bale, ako rin naman… iba na ang type ko.”

Wala na pong clue.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING