Sikat na aktres, lumalabas na naghahabol sa lalaki

ADVERTISING

BLIND ITEM: isang kaibigang talent manager ang tumawag sa amin, apparently anxious over a popular actress’s undesirable attitude na dapat sana’y pinipitik namin. Pinuna niya ang malimit na pagpapainterbyu ng aktres sa media.

We had to figure out kung ano’ng masama sa pagpapaunlak ng aktres sa mga panayam sa kanya, samantalang protocol ang pagpapa-interview if there are issues that any celebrity needs to address.

Katuwiran ng aming kausap, “Kung ako ang manager ni (pangalan ng aktres), pagbabawalan ko siyang basta-basta na lang mag-grant ng mga interviews. Una, lumalabas tuloy kung gaano siya kahaling sa dyowa niya (na nasa showbiz din). Susme, kababae niyang tao, siya pa itong parang naghahabol sa boyfriend niya!

“Pangalawa, aware naman siguro siya na pagdating sa mga interview, eh, ipinagkakanulo siya ng mismong sarili niya. Pagkaganda-gandang babae, pero lumulutang tuloy ang kabobitahan niya!”

Lilinawin lang namin, this is a third person observation, not ours. We’d rather fight our battle this time with neither sword nor pen.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING