Sikat na aktres, lantarang binubuwisit ang co-star sa teleserye!

BLIND ITEM: HALATANG idinadaan na sa lantarang pambubuwisit ng isang sikat na aktres ang inaasal niya patungkol sa kanyang kinayayamutang co-star sa isang serye sa TV.

Kuwento ito habang break ang buong cast, bumabangka sa umpukang ‘yon ang ating bida, kung saan pagpapa-tattoo ang usapan. Nasa ‘di kalayuan daw ang co-star na sinasadya niyang paringgan, pero tahimik lang ito.

Banat ng sikat na aktres: “Kung ako, magpapa-tattoo, ang ipalalagay ko rito (sabay inangat ang kaliwang braso), KUPAL AKO. Tapos, dito naman (sa kanyang kanang braso), MALDITA AKO. Eh, talaga namang maldita ako, ‘no!” Sinabayan ng askad na ngiti ang pagmumuwestrang ‘yon ng aktres, papunta sa direksiyon kung nasaan ang kinaiiritahang co-star.

Isa lang ito sa napakaraming anekdota ng pagmamalabis ng ating bida, dahilan para desidido nang sampahan (o baka nga sinampahan na) ng kaukulang asunto ng hina-harass niyang co-star. Sang-ayon kami sa hakbang na ito, leksiyon tungkol sa kagandahang-asal at pagpapakumbaba ang dapat idukdok sa kukote ng aktres na ito.

Lalo na ang katotohanang hindi naman niya habambuhay maisasaksak sa baga niya ang tinatamasang tagumpay, her boyfriend included!

NADAWIT THESE DAYS ang magsyotang sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao in probably the worst, most gross of intrigues ever reported in showbiz.

Tapatan na, nagkaroon daw ng “vaginal lock” si Shaina sa umano’y pakikipagtalik kay JLC, bagay na hinihingan ng kumpirmasyon sa amin from friends abroad. In layman’s term, ang sinasabing “vaginal lock” ay literal na paninikip ng ari ng babae (for whatever reason), dahilan para hindi mahugot ng kanyang katalik ang ari niya.

Hindi na bago sa aming pandinig ang kuwentong ito, kadalasan nga’y nangyayari ito between a couple carrying on an illicit affair kung saan idinadaan sa ritual of sorts ng legal spouse of either party para mangyari ‘yon to cause embarrassment. Pahiya nga naman ang dalawang nilalang na ‘yon na kinakailangang “paghiwalayin” sa pinakamalapit na ospital in their naked glory na tanging kumot lang ang nagtatalukbong sa kanilang mga katawan.

This can be most unfair to JLC and Shaina who seem like a decent couple. Notwithstanding, hindi na rin kailangang idepensa ng magdyowa ang kanilang mga sarili to UNLOCK the LOCK… to unlock the lock daw, o!

AMINADO ANG MGA taga-Face to Face ng TV5 that it’s not easy as it seems to mount such kind of a production (the so-called talakserye, a first on Philippine TV) kung saan kulang na lang ay magkaroon ng bloodshed sa pagitan ng dalawang kampong nagbabangayan over issues from infidelity to insanity.

Bukod kasi sa napaka-research-heavy ng bawat episode ng programa ni Amy Perez, one cannot simply fathom ‘yung trafficking ng mga mismong warring guests who need to occupy separate dressing rooms before the actual, on camera confrontation. But on this lies the strength of the program kung kaya’t isinilang ang Untold Stories docu-drama tuwing Huwebes.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJohn Estrada, nagmamaldito sa mga showbiz reporter?!
Next articleMatteo Guidicelli: ‘Di umubra kay Sarah Geronimo, kay Maja Salvador naman pumuporma!

No posts to display