Sikat na aktres, kailangan pang ‘suhulan’ ang mga bisita sa kanyang event

ADVERTISING

BLIND ITEM: Kinailangan pang “suhulan” ng isang sikat na aktres ang mga um-attend ng kanyang personal event para sumipot lang ang mga ito, most if not all of them are not exactly her close friends.

Siyempre nga naman, the invited ones had to show up kahit labag sa kanilang kalooban even if their appearance was against their will.

ADVERTISING

Truth to tell, hindi naman kasi puwedeng ipangalandakan ng aktres na she keeps a circle of dear showbiz friends, except for a handful na kelan lang naman niya nakasama sa kanyang mga flopchinang soap.

In stark contrast ito sa separate event ng isa pang aktres which was organized by her close showbiz female friends. Itsurang idinaos ang pagtitipon na ‘yon—much to the surprise of the actress—sa bayan ng kanyang pakakasalan sa pagkalayu-layong lugar sa Southern Luzon, the invited ones swooped down on the venue.

Eh, ang unang aktres na itago na lang natin sa alyas na Marina de Vera, kailangan pang magregalo sa mga sumipot sa kanyang event!

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING