Sikat na aktres, hawak sa leeg ng dyowang tibo!

ADVERTISING

Sikat na aktres, hawak sa leeg ng dyowang tibo!HINDI NABABAHALA SI Heart Evangelista sa kumalat na video ng boyfriend niyang si Daniel Matsunaga na may kahalikang babae sa elevator.

Kalat na kalat na ngayon sa internet ang nasabing video na nakunan ng camera.

ADVERTISING

Sabi pa ng kampo ni Daniel, alam nila ang tungkol sa kumakalat na vi-deo pero hindi pa nila nakakausap ang Brapanese model.

Sa kanyang tweet ay hindi nagpa-kita ng pagkabahala si Heart. Actually, very cool pa nga siya.

“Don’t worry guys if  you saw it. Something’s cooking,” makahulugang salita ni Heart sa Twitter.

ADVERTISING

May nakapagsabi sa amin na kuha ang nasabing controversial video ni Daniel sa kanyang commercial kaya naman hindi bayolente ang reaction ni Heart.

‘Yun naman pala, eh.

PARANG NOSTALGIA ANG nangyari kay Ruffa Gutierrez nang mag-interview siya ng Miss World event for Paparazzi.

Nag-cover kasi si Ruffa ng pirmahan ng exclusive licensee agreement between Chairman at CEO ng Miss World Limited na pinangunahan ni Julia Morley at ang Miss World-Philippines na kinatawan ng wellness guru na si Cory Quirino.

Kasama sa naging witness ng contract signing sa Makati Shangri-La hotel sina reigning Miss World Alexandria Mills from the USA at ang kanyang first runner-up na si Emma Wareus from Bostwana. Si Ms. Morley ay asawa ng founder ng Miss World na si Eric Morley.

Dating Second Princess si Ruffa Gutie-rrez ng Miss World.  Ininterbyu niya si Ms. Morley, si Ms. Quirino at ang dalawang beauty queen na kasama nito.

Sa ngayon ay nasa 60th year na ang nasabing pageant na may temang “Beauty with a Purpose”.  Ang biggest dream ni Cory ay ang maitanghal naman sa ating bansa ang Miss World.

BLIND ITEM: NAAAWA kami sa isang sikat na aktres. Until now kasi ay hindi pa siya puwedeng mag-boyfriend kahit na matagal na siyang hiwalay sa kanyang TV host boyfriend.

Ang dahilan? Ayaw pumayag ng tomboy na TV executive na may hawak sa kanya.

Yes, may dyowang lesbian ang aktres kaya naman li-mited na limited ang kanyang mga kilos. Hindi siya basta-basta puwedeng makipagdate.

Ang tiborsyang executive ang nagpapatakbo ng buhay ng aktres. In return ay inaalagaan naman niya ito nang todo. Walang problema sa kanyang career dahil magaganda ang ibinibigay sa kanyang project.

At para makasiguro marahil na hindi siya masasalisihan ng sinumang lalaking manliligaw sa aktres, tauhan ng tibo ang handler ng aktres. Nagsisilbing mata ang handler sa mga taong kumakausap o dumadalaw sa kanya. In short, isa siyang spy para masiguro ng lesbian exec na kanyang-kanya lang ang aktres.

Da who si aktres? Naging kontrobersiyal siya minsan nang lumipat siya sa network na kinabibilangan niya ngayon. Na-link din siya sa isang band singer.

Sikat na aktres, hawak sa leeg ng dyowang tibo!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING