Sikat na aktor, natsitsismis na karelasyon ng guwapong cameraman

ADVERTISING

BLIND ITEM: Kinailangan nang tawagin ng artist department ng isang TV network ang atensiyon ng isang sikat na aktor tungkol sa kanyang mga sexual indiscretions.

Okey lang sana kung sa artistang babae natsitsismis ang aktor na ‘yon, dagdag-puntos pa nga ‘yon sa kanyang machismo. Pero para matsismis siya sa isang guwapong cameraman ay ibang kuwento na nga naman ‘yon.

ADVERTISING

Ayon sa tsismis, ilang buwan din daw karelasyon ng aktor ang cameraman until nabuko ng pamunuan ng artist department, blame it sa kadaldalan na rin daw ng huli na ipinamamaraling dyowa niya ang sikat na aktor na itago na lang natin sa alyas na Piccolo Pasaway.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING