Sikat na aktor na ngayon: dating pa-booking, daang libo na ang presyo?!

KUNG PUPUGUTAN natin ng ulo ang mga aktor sa buong showbiz na nakaranas na ng dahil sa kawalan ng project ay magpa-booking, baka isa na si Chad Jurado na lumalakad ngayon nang pugot ang itaas na parte ng katawan. Paano nga, maganda na ang kanyang image ngayon dahil sumikat na siya, kaya hindi na muling nababanggit ang isyu tungkol sa pagpatol niya sa mga bading at matrona nu’ng mga panahong nagta-tagtuyot sa kanyang pamumuhay.

Maraming kaibigan si Chad, dahil mapakisama naman siya talaga. Marami rin siyang mga kaibigan dati na mga baguhang aktor at katulad niyang naghihintay pa lang noon na magningning ang career. Matagal siyang naghintay na mabigyan ng break. Hindi kasi siya kaagad napansin noon, kaya dahil guwapo naman siya, kinailangan niya ring kumapit sa patalim, na kapag nagigipit ay nagpapa-booking siya sa mga bading at matrona.

May dahilan kung bakit dati’y naging pa-booking si Chad. Mayaman ang kanyang angkan, pero hindi siya mahilig umasa. Mag-isa siyang namuhay sa condo unit na kanyang nirerentahan. Pinanindigan niyang mamuhay mag-isa, kaya kapag wala siyang pera dahil sa kawalan ng project ay kinarir din niyang ibenta ang kanyang katawan. Mabenta siya, dahil bukod sa guwapo ay makisig ang kanyang pangangatawan. Nang bumongga na ang kanyang career ay huminto na siya sa pagpapa-booking. Ang kuwestiyon na lang ngayon ay kung tatanggi ba siya sa booking kung daang libo na ang katapat na presyo mula sa mga bading at matrona, pagbigyan lang niya ng isang gabing ligaya?

(By Melchor Bautista)