Sikat na aktor na dating matinee idol, nabuking ng mga trabahante ang pagkakuripot

ADVERTISING

ISANG GRUPO ng mga trabahante was assigned by their office to set up an awning (a sheet of canvass na inilalapat sa steel frame) sa garahe ng isang sikat na aktor, now in his 50s.

Dahil sa maghapong trabaho, natural, nagutom ang mga ito. Dahil wala namang pameryenda man lang sa magarbong bahay ng aktor, all that the workers requested from the maid in uniform was for them to be served drinking water.

ADVERTISING

“Sorry po, sir, bawal po kasi na kumuha ng tubig sa ref. Diyan na lang po kayo uminom,” anang maid sabay turo sa gripo na ‘di kalayuan sa garahe.

Kaya tanong tuloy ng aming source na isa sa mga trabahante roon, “Kuripot pala si (pangalan ng aktor), ‘no?”

Itago na lang natin ang aktor na dating matinee idol sa tunog-banyagang alyas na Richie Rubber Band.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING