Sikat na aktor, bantay-sarado ng lumilipad na super hero – Ronnie Carasco

ADVERTISING

Sikat na aktor, bantay-sarado ng lumilipad na super hero – Ronnie CarascoHINDI LANG PALA gawa-gawa ang tsikang bantay-sarado ang isang sikat na actor ng kanyang equally popular actress-girlfriend  sa set ng ginagawa nitong teleserye.

Bale ba, mahigpit na nakatutok ang “stage girlfriend” sa mga kissing scene ng kanyang dyowa with his new partner. Agam-agam ng aktres, baka raw mauwi ang screen partnership na ’yon sa totohanang relasyon.

ADVERTISING

May katwiran din naman kasing lukuban ng malisya ang naggu-guwardiyang aktres. Maaari kasing maitala sa kasaysayan ng actor ang kanyang real-life involvement sa naging leading ladies niya, at ang pinakahuli nga’y ang aktres na bumabakod sa kanya ngayon.

Hindi ba’t maging ang kanilang relasyon noon ay umusbong noon gawin nila ang Pinoy adaptation ng isang tanyag na Mexicanovela?

In fairness though to the actor, huwag din daw ito pakasisiguro sa kanyang bagong katambal na meron umanong “pilya” image.

ADVERTISING

Hay, naku, ang hindi makahula sa blind item na ito, ihuhulog ko sa hagdanan papuntang impiyerno!

GAANO KATOTOO NA lukewarm o maligamgam ang pagtanggap ng fans sa tambalang Carla Abellana-Geoff Eigenmann noong mag-show ito kasama ang ilan pang Kapuso stars sa Bulacan Sports Center nitong Sabado?

Ang siste, iniluwa ng entablado si Geoff sa kanyang song number. Suddenly, no thunderous applause hovered in the air. Sana rin daw ay ini-lip synch na lang ni “Fernando” ang kanyang inawit kesa naman bumanat nang live na sablay naman.

Siyang enter stage naman ni “Rosalinda”, wala rin daw nabago sa reaksyon ng mga manonood taliwas sa inaakala ng marami na guguhit ang mga litid sa leeg ng mga ito sa katitili.

In fairness sa ilang mga kasama nina Carla at Geoff, mas ipinagbunyi pa ng fans sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Ang hindi nga lang alam ng lahat, “for loveteam’s sake” lang ang kanilang tamabalan dahil ang totoong nobya ni Aljur ay si Rich Asuncion.

Ang speaking of this poor girl named Rich, suko na raw ang mga taong nagmamalasakit sa kanya sa sobrang pagaka-in love nito kay Aljur. At dahil ayaw rin lang daw paawat ni Rich sa kanyang mga “kagagahan”, even her manager has given up on her. “Bahala ka sa buhay mo!” ang nasambit na lang daw nito sa kanyang pasaway na alaga.

HINDI NA UMAASA pa si Alyssa Alano na kahit kakarampot na halaga out of the P50,000 worth of gift cheques she lost to an unidentified guy posing as Ricky Lo ay maibabalik pa sa kanya.

Bagama’t natimbre na ni Alyssa sa pamunuan ng SM ang insidente (which is supposed to have logged the cheques’ control/serial numbers), ipinauubaya na lang daw niya sa pulisya ang imbestigasyon. Samantala, gamit pa rin ni Alyssa ang SIM card ng kanyang mobile phone na tinawagan ng impostor. “Pero, number na lang ang naka-register, hindi ko na lang sinasagot,” sey niya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING