Sikat na aktor, apektadong-apektado sa nangyari sa lovelife ng anak

ADVERTISING

BLIND ITEM: The phrase “overly affected” seems to be an understatement para ilarawan ang nadarama ngayon ng isang sikat na aktor for his daughter who recently severed her romantic ties with her actor-boyfriend.

Pakiramdam ng amang aktor ay agrabyado raw ang kanyang anak, that is, kung paniniwalaang may third party involved sa breakup na ‘yon on the part of the younger actor.

ADVERTISING

Sa pagkainis ng tatay ay hindi raw ito napigilang magdayalog sa anak ng, “Ano’ng gusto mong gawin ko?” Apparently with an intention to get even, pakiusap na lang ng anak na, “‘Pa, huwag na lang.”

Public knowledge na mula sa palabang angkan ang amang aktor, na itago na lang natin sa alyas na Ruben Pajarillo.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING