Sikat na actress-TV host, nang-isnab ng mga press people! – Fernan de Guzman

ADVERTISING

Sikat na actress-TV host, nang-isnab ng mga press people! - Fernan de GuzmanKUMPIRMADO! FROM ABS-CBN 2, tumalon na nga sa kabilang bakuran sa GMA-7 ang magaling na komedyanteng si Bayani Agbayani. Nainterbiyu nga namin siya sa DWIZ 882 KHZ sa radio show namin ni Ogie Diaz. Marami ang na-shock dahil nga matagal na panahon din ang inilagi niya sa Kapamilya network. Marami naman ang nagsasabing right decision ang ginawa ni Bayani. Kaysa nga naman na magutom siya at pamilya niya ay siya na itong gumawa ng paraan na magkaroon ng trabaho.

Hindi naman lingid sa lahat na wala siyang show sa ABS kung kaya naman madali siyang nagpasya na lumipat. At ngayon ay may bago siyang manager sa katauhan ni Noel Ferrer, ang manager din nina Paolo Bediones at Ryan Agoncillo.

ADVERTISING

Nilinaw rin niya ang isyung hindi raw siya nagpaalam sa dating manager na si Angge.

“Yes, nagpaalam ako kay Tita A (tawag niya kay Angge). Nandiyan pa rin naman siya bilang consultant ko. Parang hindi siya nawala.

“Si Noel, taga GMA-7 siya, kaya naman naging mabilis ang proseso sa aking paglipat. May bago na nga akong show pero bawal pang sabihin ang title. Basta may show ako na kasama si Manny Pacquiao at Mommy Dionesia. Sana magtuluy-tuloy na ang magandang takbo ng career ko ngayon,” pahayag niya.

ADVERTISING

“Sa totoo lang, dati na ako sa GMA-7, nu’ng nagsisimula  pa lang ako, bago pa ‘ko naging Kapamilya.

“Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN 2, hindi naging maganda ang takbo ng buhay namin kundi dahil sa kanila,” sabi pa niya.

“Nagpaalam ako kay Tita Cory Vidanes. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat,” pagtatapos ni Bayani.

EWAN NAMIN KUNG bakit kung kelan dapat na maging ma-PR sa movie press ang sikat na actress-TV host ay mukhang kabaligtaran naman ang kanyang pinaggagawa. E, ‘di ba, tatakbo pa naman sa mataas na posisyon ang kanyang kapamilya? Ilang grupo ng press people ang naka-exprience sa pandededma niya sa mga movie press na dumadalaw sa kanyang programa.

Harap-harapan na ng sikat na actress-TV Host ang grupo ng press pero dedma siya. ‘Yun bang parang wala siyang nakikitang mga kaharap. Eh, samantalang kausap ng kanyang co-host ang mga press people. At katabi lang niya ang kanyang co-host.

Nagtataka lang kami kung bakit ganoon ang attitude niya, e samantalang dapat nga ay maging ma-PR siya sa panahon ngayon. Ibig bang sabihin ay pakitang-tao lahat ang mga ipinapakitang magandang pag-uugali nito sa publiko?

“Dalawang hakbang lang ang layo naming tatlong press sa kanya pero hindi man lang siya sumulyap sa amin. Alam naman niyang bisita kami sa show bilang mga press, parang wala siyang nakikita,” sey ng isang movie reporter na malaki ang tampo kay actress-TV host.

“Ang layu-layo ng ugali niya sa kasama niya sa show. Dahil du’n, hindi ko iboboto ang iniendorso niyang kandidato sa darating na election,” sey naman ng isa pa.

“Sana pagod lang siya at may masakit sa katawan niya, baka mapatawad ko pa siya.” Sey ng isa pa.

Naku! Dapat mapangaralan ng kanyang co-host ang attitude nitong sikat na actress-TV host.

Tutal naman, magkapatid na ang kanilang turingan.

Clue pa ba? Napapanood natin siya gabi-gabi. Klir na ba?

ADVERTISING