Sikat at mahusay na aktor na talunan sa eleksiyon, nagbababad na naman sa casino

MALAPIT SA aming puso ang subject ng aming blind item, kaya may halong malasakit ang “bisyong” sana’y itigil na niya lalo’t it’s a proven fact na karamihan sa mga sugarol hardly become rich.

Isa siyang sikat at mahusay na aktor, na sumubok ding pumalaot sa mundo ng pulitika, pero sa kung makailang pagkakataon ay hindi siya nagtagumpay. He ran in the last elections but lost.

Ewan kung masyado niyang dinamdam ang pagkatalo, at ang kanyang naging coping mechanism ay bumalik sa casino. Nakita namin mismo ang kanyang mga larawang kuha sa harap ng slot machine.

With his pictures taken (at malamang ay kumakalat na ngayon) ay isang maliwanag na kapabayaan o kawalan ng pag-iingat on the actor’s part. Paano na lang pala kung nanalo siya sa tinakbuhang posisyon at nanunungkulan na, hindi ba’t iisipin ng kanyang mga constituents na isinusugal niya ang pera ng taumbayan?

Da who ang aktor na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Felipe Salvavida.

By Ronnie Carrasco