Sigaw ng Fans: Final choice ni Barbie Forteza sa ‘Meant to Be’, luto!

ADVERTISING
Sigaw ng Fans: Final choice ni Barbie Forteza sa ‘Meant to Be’, luto!
Cast of ‘Meant to Be’: Addy Raj (Jai), Ken Chan (Yuan), Barbie Forteza (Billie), Jak Roberto (Andoy) and Ivan Dorschner (Ethan)

NAKAKALOKA! Last Friday ay nagtapos na ang kiligserye ng GMA-7 na Meant to Be. Controversial ang finale week ng programa dahil may mga nagsasabing mas pinapaboran diumano ng network si Ken Chan as the final choice of Barbie Forteza dahil mas matagal na itong nasa kuwadra nila at gusto nang makawala ng tuluyan sa ‘Destiny Rose’ image.

Maging ang nanay mismo ni Barbie Forteza ay nagpa-‘read between the lines’ sa social media. Mas pabor ‘ata ito na si Andoy (karakter ni Jak Roberto) ang makatuluyan ni Billie (character ni Barbie Forteza) sa show.

Kaso si Andoy ang pangalawang binasted ni Billie. Ang una ay si Jai (played by Addy Raj).

So ang huling alas ay nasa kamay nina Yuan (Ken Chan) at Ethan (Ivan Dorschner).

Sa online poll ay mas nanaig ang gusto ng fans na sa kay Ethan mapunta si Billie over Yuan.

ADVERTISING

Pero mas trending at mas maboka sa social media ang mga Team Yuan.

Kalerky!!

Nang lumabas ang balita na magkakaroon ng pelikula sina Barbie at Ken, nakaramdam na ang fans ng three other guys na wala nang pag-asa ang mga manok nila.

Ang lalaki na may anak na ang pipiliin ni crush ng bayan Billie.

Sigaw ng Fans: Final choice ni Barbie Forteza sa ‘Meant to Be’, luto!
Barbie Forteza and Ken Chan

Haba ng hair!

Buti na lang at versatile actress itong si Barbie Forteza. Naku, mahirap kayang mag-develop ng chemistry sa apat na lalaki.

Kung totoo na may Meant To Be Part 2, dapat siguro ay ituloy na ang pagpares sa iba pang boys kina Mika dela Cruz, Arra San Agustin at Klea Pineda, na bagay kina Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj in that order.

Maganda rin kung ibalik ng siyete ang youth-oriented sabado habit ng mga bagets noon. Remember TGIS and Gimik days? At least ang grupong ito ay tried and tested na.

Or pagurin niyo na lang si Barbie! May movie with Ken, sitcom with Addy at teleserye with both Jak and Ivan. Eh ‘di happy lahat!

ADVERTISING