Sid Lucero, walang takot na naghubad sa indie film na “Toto”

ADVERTISING

Sid Lucero, walang takot na naghubad sa indie film na “Toto”

Sid Lucero
Sid Lucero

Walang takot na nagpakita ng katawan si Sid Lucero sa “Toto”, isang indie film about a room service boy na obsessed na makarating sa US.

Unang eksena pa lang, nagpakita na kaagad ng skin si Sid when he was captured while on his brief. Ilang eksena rin ng kuyangyangan nila ni Liza Diño ang ipinakita sa movie. Hubad kung hubad ang dalawa. May isang eksena pa na kitang-kita ang puwet ni Sid.

We totally understand why Sid agreed to do nude scenes in “Toto”. Kailangan naman kasi sa story at markado naman ang role niya bilang isang guy na gagawin ang lahat, makapunta lang sa US.

Sid totally immersed on his character that you will not notice any flaw on his performance. Ang husay-husay niya, lalo na roon sa isang eksena where he was crying na hindi tumutulo ang luha. Grabe, ang galing-galing niya.

ADVERTISING

Equally magaling are Liza, Bibeth Orteza, Thou Reyes, Neil Ryan Sese, Rafa Siguion-Reyna, and Mara Lopez bilang girlfriend ni Sid sa movie. Hollywood actor Blake Boyd is also in the cast at ang galing-galing din niya.

Walang tapon sa cast, lahat magagaling including bit players.

What is interesting is how the director megged the film. Magaling ang writer-director ng movie na si John Paul Su. Original ang kanyang story and almost impeccable ang kanyang shots.

Go watch the movie to learn what we are talking about.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING