Sid Lucero, nanalong best actor sa para sa pelikulang “Toto” sa 19th Los Angeles Comedy Festival

ADVERTISING

Sid Lucero, nanalong best actor sa para sa pelikulang "Toto" sa 19th Los Angeles Comedy Festival

Sid Lucero
Sid Lucero

Masuwerte ang mga artistang Pilipino ngayon. Sunud-sunod ang mga parangal na natatanggap natin mula sa iba’t ibang film festival.

Una na ay ang pagkapanalo ni Jaclyn Jose as “Best Actress” sa recent Cannes Film Festival for “Ma’ Rosa”.

Si Jake Cuneta, nagwagi rin as Best Actor sa performance niya sa  pelikulang “Mulat” sa direksyon ni Maria Diane Ventura sa World Cinema Festival na naganap sa Brazil.

Ang tatahi-tahimik lang na si Sid Lucero, bongga rin ang mga laban niya sa international film festivals sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

ADVERTISING

Recently, he won as Best Actor sa performance in the John Paul Su film “Toto” sa 19th Los Angeles Comedy Festival, kung saan ito ang largest festival of its kind in the United States, honoring the best of the world in the comedy genre.

Sa pagkapanalo nga ng mga Pinoy actors natin sa mga labanan sa ibang bansa, happy ang actor lalo na a pagkapanalo Jaclyn Jose.

Pahayag ni Sid Lucero: “Woohoo! After the big win of Tita Jane (Jaclyn Jose, mother of Sid’s half-sister Andi)) in Cannes, this is another piece of good news. I am honored and humbled with this recognition.”

Hindi lang indie film projects ang pinagkakaabalahan ng aktor. Nasa main cast din siya ng teleseryeng “The Millionaire’s Wife” ng GMA, kung saan kasama niya ang Cannes Best Actress.

Sa ngayon, may ginagawang pelikula si Sid na pang-international competition at magsisimula na rin ang isa pang pelikula para sa entry sa Cinemalaya para sa taong ito.

Kababalik lang ng aktor last month to represent his film “Apocalypse Child” sa Udine International Film festival sa Italy, at kung papayagan siya ng GMA to take a few days off, he is also invited to the New York Asian Film Festival this June.

Nakasungkit din Sid ng Best Actor nomination for “Apocalypse Child” sa darating na URIAN awards sa June.

Mayroong 5 URIAN nominations and 2 wins as Best Actor (Paolo Villaluna’s “Selda” and Adolfo Alix Jr’s “Muli”) si Sid.

As of the moment, hindi naman masasabing boring ang buhay ng aktor na wala siyang ginagawa kundi ang gumawa at umarte na lang sa mga pelikula, dahil si Sid, in love din naman sa girlfriend niya na si Annicka Dolonius na nakilala niya habang ginagawa ang pelikulang “Apocalypse Child”.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING