Sid Lucero, nagkalat nang makipag-break sa naanakang dyowa

ADVERTISING

Sid Lucero, nagkalat nang makipag-break sa naanakang dyowa

Sid-LuceroKINUMPIRMA NA rin ni Sid Lucero sa presscon ng My Destiny na break na sila ng karelasyon niyang si Bea Lao na nabuntis niya nu’ng nakaraang taon.

Matagal na pala silang naghiwalay, pero magkaibigan pa rin naman daw sila para sa kanilang anak.

Nahihiram daw niya ang baby girl nila na si Halo kung kelan n’ya gusto.

Kapag may gig daw si Bea (kasi miyembro siya ng bandang General Luna, ‘di ba?), nasa kanya ang baby at inaalagaan niya ito, kasama ang Mommy niya.

ADVERTISING

Aminado si Sid na mahirap ang pinagdaanan niya nu’ng naghiwalay sila ni Bea, at sabi nga niya nagkalat daw siya uli.

Mabuti at nandiyan ang pinsan niyang si Geoff Eigenmann na nagbigay raw ng gamit para sa Jujitsu, at sinamahan nga raw siyang mag-Jujitsu. Kaya nalibang naman daw siya kahit papa’no.

Ngayon ay okay na raw siya at siguro nga nakapag-move on na. Kaya nga siguro nali-link na ito kay Alessandra de Rossi.

Itinatanggi naman ni Sid ang pagka-link niya kay Alessandra dahil magkaibigan lang daw talaga sila.

Wala raw munang lovelife dahil mas mabuting mag-focus daw sa pamilya niya, sa anak niya at sa trabaho.

Tuluy-tuloy na nga ang taping niya sa My Destiny na kung saan kasama niya rito si Carla Abellana, Tom Rodriguez at Rhian Ramos.

Kahit break na sina Carla at Geoff, okay pa rin naman daw sila ni Carla bilang magkaibigan.

Sabi ni Sid, isyu naman daw ‘yun nina Geoff at Carla at labas naman daw siya ro’n.

Aym rito pala sa My Destiny, kasama rin ang alaga kong si Lorna Tolentino!

Alam n’yo na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING