Sid Lucero and Marian Rivera: One Epic Tandem!

ADVERTISING

Sid Lucero and Marian Rivera: One Epic Tandem!

SID LUCERO

ADVERTISING

Real Name: Timothy Mark

Pimentel Eigenmann

Birth Date: March 12, 1981

ADVERTISING

Zodiac Sign: Pisces

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

Closest Metal: Germanium

and Strontium

Lucky Day: Thursday

Sid Lucero and Marian Rivera: One Epic Tandem!

MARIAN RIVERA

Real Name: Marian

Gracia Rivera

Birthdate: August 12, 1984

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion

Ruling Planet: Sun

Quality: Fixed

Element: Fire

Basic Trait: I Will

Closest Metal: Gold

Lucky Day: Sunday

 

HINDI LANG BASTA big stars at malaki ang budget na inilaan sa Amaya ng GMA-7, may touch of Phi-lippine History and Culture ito. ‘Ika nga, bagong panoorin sa primetime na hindi puro patayan at iyakang walang katuturan at mga flying creatures ang nakikita, huh!

Isa rin sa mga anggulong aabangan ng fans ay ang unang tambalan nina Sid Lucero at Marian Rivera. Balik-Kapuso ang award-winning actor para maging leading man ng prin-sesa ng Siyete. Base sa mga interviews nila, mukhang excited naman sila sa una nilang pagtatambal at kung makitaan siguro ng bonggang chemistry, malamang ay magkakaroon din sila ng drama movie. Why not nga naman, ‘dibash?!

Sabihin nating tanggap ng madla ang Sid Lucero-Marian Rivera loveteam. In real-life kaya ay maging ‘epic’ din ang pag-iibigan ng dalawa?

Maraming pagkakasalungat pagdating sa personalidad ang Leo at Pisces, pero ito mismo ang rason kung bakit malaki ang tsansang mag-klik ang samahan nila. Hindi kasing self-centered ng Pisces ang Leo. Makukuha ng Pisces ang attention sa pag-ibig na inaasam-asam niya mula sa Leo dahil hindi ito mahirap pakisamahan. In short, walang ‘ego’ clashes na magaganap sa pagitan ng dalawa. Hahayaan ng Pisces na maging ‘boss’ sa relasyon ang Leo (kitang-kita naman ang trait na ito kay Mareng Ma-rian, ‘di ba? Hehehe) at pareho nilang uunawain ang isa’t isa. Hindi man open o vocal sa kanyang feelings ang Pisces, gets na gets ng Leo kung ano ang magpapaligaya rito. ‘Yun naman talaga ang importante sa bawat pagsasama.

Ang pangmatagalang pagsasama ng babaeng Leo at lalaking Pisces ay nakadepende sa kung ano ang kaya nilang isugal sa ngalan ng kanilang tapat na pagmamahalan. Mahilig sa atensyon ang Leo at maibibigay naman ito ng Pisces. Ang maganda sa relasyong ito ay pareho naman silang romantic mapakilig man o sa lovemaking.  Very passionate din ang dalawa sa larangang kinahihiligan nila. Sight na sight din natin kung paano kamahal nina Sid at Marian ang kanilang trabaho bilang mga artista. Kung nanaisin ni Bathala, mukhang jackpot na jackpot sina Sid at Marian sa piling ng isa’t isa.

Naks, mukhang naka-disco-ver ng epic tandem ang Kapuso Network kina Sid at Marian, huh?

 

By Madame Damin

Pares-Pares

By Madam DaminSid Lucero and Marian Rivera: One Epic Tandem!

ADVERTISING