Si Sarah G. pala ang type
Jessy Mendiola, pinaasa lang ni Matteo Guidicelli

ADVERTISING

<i>Si Sarah G. pala ang type</i><br>Jessy Mendiola, pinaasa lang ni Matteo Guidicelli

<i>Si Sarah G. pala ang type</i><br>Jessy Mendiola, pinaasa lang ni Matteo GuidicelliLOOKS LIKE sobrang selos si Jessy Mendiola kay Sarah Geronimo, the reason why she deleted all her photos in her Instagram account na kasama si Matteo Guidicelli.

Sobrang hurt daw ang beauty ni Jessy when she learned na Matteo is seeing Sarah. Siyempre nga naman, ang feeling niya ay dyowa niya ang car racer-actor pero meron na pala itong ibang pinopormahan.

To probably make her forget her painful past with Matteo ay nag-decide na lang itong si Jessy na burahin ang lahat ng photos nila ni Matteo na magkasama.

Marami ang nakapansin na wala na ni isang photo si Matteo sa Instagram account ni Jessy.

ADVERTISING

Parang kalian lang, ang dami pa naming nakitang pictures nilang dalawa na super sweet. Kuha mula sa taping ng soap nila na magkayakap, shots noong sumali si Matteo sa isang sports event at kung anu-ano pang photos nila na sweet ang wala na ngayon sa Instagram account ni Jessy.

How sad. Parang ang bilis naman nilang mag-break gayong hindi pa sila umaamin sa kanilang relasyon.

Although none of them bravely admitted that they were an item ay marami naman ang naniniwalang magdyowa nga sila, ‘no!

So, si Sarah ang ipinalit ni Matteo okay Jessy, gano’n ba ‘yon?

<i>Si Sarah G. pala ang type</i><br>Jessy Mendiola, pinaasa lang ni Matteo Guidicelli

BIANCA GONZALEZ probably had a great time posing sexily in her latest cover pictorial for a glossy magazine.

Sadly, maraming hindi nagkagusto sa kanyang daring cover shoot. To some, she looks too reed-thin, masyadong maliit ang body frame at hindi bagay sa ganoong pose.

Meron namang nakapansin na she doesn’t look sexy kahit na nagpakita siya ng likod.

Still, another observed na nagmukha siyang bakla sa kanyang pose. Mukha rin daw siyang anorexic.

Pero ang consensus ng marami ay maganda ang mukha ni Bianca. Sabi pa nila, mabuti raw si Bianca ay hindi nag-gluta para pumuti. Maganda raw tingnan ang kanyang tanned body sa pictorial.

Oo nga. ‘Yun din ang napansin namin. Hindi siya katulad ng ibang artista na hindi comfortable sa kanilang skin tone kaya ginagawa ang lahat pumuti lang.

 

TILA STARLET-STUDDED ang anniversary celebration ng GMA-7, what with their line-up of artists headlining their TV projects.

Merong Krystal Reyes, Derrick Monasterio, Hiro Peralta and Julian Trono na bibida sa isang remake ng popular soap opera then.

Sina Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia and Mico Zarsadias na pawang DA WHO ay bida rin sa isa pang remake ng old TV soap.

Bukod tanging si Jillian Ward lang ang kilala namin sa isang bagong kiddie show ng Siyete. Sinex ba sina Milkcah Nacion, Marc Justine Alvarez and Joshua Uy?

Even the latest soap of GMA are starred by STARLETS like Andrea Torres, Mikael Daez and Christian Bautista whose teleserye ay hindi na raw itatapat ng Siyete sa Be Careful With My Heart sa takot na umani ng alikabok sa rating.

There’s one beki serye which stars Carla Abellana, Dennis Trillo and Tom Rodriguez na hindi naman talaga pambida.

With that cast ng iba’t iba nilang soap opera ay masasabi mo talagang home of STARLETS ang GMA, the NUMBER TWO network in the country.

 

PERSONAL: BELATED happy birthday kay RIKKI JIMENEZ, ang fashion designer na naka-discover kay CHARO SANTOS-CONCIO. I’m sure meron siyang party noong June 5, his birthday.

Sa Lucena na naka-base si Rikki. Nami-miss na namin ang swimming sessions natin sa barangay Rangsohan at Barra. Nami-miss ko rin ang very laid back ambiance sa Lucena.  Hayaan mo, minsan papasyalan kita d’yan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING