Si Nadine Samonte ang nanggagamit at hindi si Jayson Gainza! – Tita Swarding

ADVERTISING

Si Nadine Samonte ang nanggagamit at hindi si Jayson Gainza! - Tita Swarding

Si Nadine Samonte ang nanggagamit at hindi si Jayson Gainza! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MARAMI ang nagtaas ng kilay sa mga binitiwang pahayag ng kuning kuning na aktres na si Nadine Samonte na sinuportahan pa ng punggok na TV host na si DJ Mo Twister!

ADVERTISING

Nag-react si Nadine tungkol sa naging pahayag ni Jayson Gainsa sa isang show sa kabilang istasyon na humingi ito ng tubig sa aktres noong panahon ng bagyong si Ondoy. Pinalaki na nang husto ang isyu na kung tutuusin ay napakababaw lang.

Nanggatong  na rin si DJ Mo at sinabing  ginamit lamang daw ni Jayson ang aktres dahil hindi sikat ang komedyante! Nakakalurke, huh!

Ang tanong naman namin ay kilala naman ba ang aktres-aktresan na si Nadine? Sikat ba ito? Hindi ko naman minamaliit ang kapasidad ng batang ito pero sa inasal naman niya at ni DJ Mo ay tila nakawiwindang naman! Marami tuloy ang nagtaas ng kilay sa TV host at kay Nadine!

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

Sabi nga ng friend ko, e, halatang kaplastikan daw ang pinakita ni Nadine sa TV at ang pangalan pa ni Jayson ang nagamit nang husto. Kailangan daw kasing mag-ingay si Nadine para sa pag-eksena niya sa teleseryeng Tinik sa Dibdib.

Hmm… wala akong masamang tinapay kay Nadine pero sa inasal naman nila ng nagmamagaling na punggok na TV host ay tila hindi maibaba ang kilay ng karamihan. Naku, ha! Magsitigil kayo! ‘Yun na.

MARAMING  OFFERS NA magaganda ngayon sa bagets actor na si Aljur Abrenica.  Tila hindi na nga mapipigilan ang pagsunod niya sa yapak ng kapwa niya Kapuso actors na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. Hindi lang pagpapaseksi ang kaya ng young actor dahil pati recording rin ay pinasok na rin niya.

Of course, mga blessings ito pero sa kabila ng lahat ng ito ay may mga kaakibat na mga intriga at problema na ibinabato sa kanya.

Saan kaya hahantong ang kaso na isinampa laban sa kanya ng isang menor-de-edad na babae na diumano’y minolestiya ng guwapong ito? Naku, ha!

Ngayon nga ay cover din ang batang actor na ito ng isang bagong magazine at sa totoo lang, nakawiwindang ng ulirat ang kaseksihan ni Aljur, huh! Ha-ha-ha! Siyempre naman, katawan pa lang ni Aljur, e, ulam na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING