Si Marian Rivera ang Bagong Darna!


GULAT NA GULAT si Marian Rivera ng sorpresahin siya ng ilan sa mga executives ng Kapuso network ng sabihin sa kanya na siya na nga ang napili upang gumanap sa papel na Darna na susunod niyang proyekto pagkatapos gumanap bilang si Prosefina sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang kasama si Dingdong Dantes.

Kitang-kita ang saya sa mga mata ng dalaga. Hindi rin siya nagpakaplastik ng sabihin niya na gusto niya talagang maging Darna. Kung nabasa ninyo ang mga nakaraang isyu ng Pinoy Parazzi, tiyak na napansin ninyo na nagpaparamdam na siya sa pamamagitan ng pagsabi na willing na diumano siya magsuot ng two-piece sa susunod niyang palabas.

Paniguradong pagkukumparahin na naman ng mga fans at detractors sina Marian at Angel Locsin, ang huling gumanap sa papel na Darna. Imagine, birthday pa man din ni Angel ngayon? Timing na timing!

Sino kaya ang gaganap na Valentina? Sino ang magiging Efren? Magkakaroon pa kaya ng Black Darna? Bata ba o binata ang magiging Ding? Papasok ba si Captain Barbell sa serye?

Hindi naman halata na excited na kami, noh? Congratulations Marian at dali, lunukin na ang bato!

Para sa mga kaparazzi natin na na-miss ang episode ngayon ng Chika Minute, narito ang video na nakuha sa YouTube. Enjoy mga bagets!

Previous articleBlind Item: Young actress na vegan, tumataba
Next articleTago: Mambabatas, tahong naman ang pinuntirya

No posts to display