Si Kris ang ayaw tumanggap ng suporta mula kay James! – Atty. Kapunan

ADVERTISING

Si Kris ang ayaw tumanggap ng suporta mula kay James! - Atty. Kapunan Si Kris ang ayaw tumanggap ng suporta mula kay James! - Atty. KapunanHALATANG IRITADO ANG abogado ni James Yap na si Atty. Lorna Kapunan sa mga sinabi ni Kris Aquino laban sa kliyente niya. Lalo na pagdating sa financial support na dapat ibigay ni James sa kanilang anak na si Baby James. Nag-react dito si James dahil hindi naman daw siya nagpabaya, pero itong si Kris naman daw ang tumatanggi.

Sey ni Atty. Kapunan: “Nagbukas na nga siya ng bank account or trust account para kay Baby James even before they started quarreling. So to say that he refuses or has not offered to support, I think it’s a lie,” diretsahang pahayag ni Atty. Kapunan.

“The truth of the matter is everytime that the bill arrives let say from Meralco or Nawasa and all that, and James would issue the check. Ang sinasabi ni Kris, ‘wag na ako na lang, ako na lang. So he’s not make to pay. He has offered several times to pay for the bills, it is Kris who say ‘ako na lang’ and thinking back si James, sabi nga, siguro she was already preparing for this case because masyado naman siyang hurt na nire-reject na nga ‘yung offer n’ya to support, and ‘yun pala gagamitin n’ya later in this case against James. But all that money that he offered to Kris for support of the household expenses he has place that in a bank account,” patuloy pa ni Atty. Kapunan.

Kaya unfair naman daw ito kay James na pagbintangan siya ng ganu’n dahil nananahimik na nga raw ito, pagkatapos may mga sinasabi pang ganu’n.

Ang buong akala raw ni James, okay na sila dahil civil naman daw sila ‘pag nagkikita sila kung dumadalaw si James sa anak nila. Iyon pala ang dami pa raw sasabihin nu’ng humarap ito sa press launch ng Belo Medical Group.

ADVERTISING

Nilinaw ni Atty. Kapunan na magmula nu’ng nakilala nila si James, wala raw silang naririnig na mga sinasabi nito laban sa dating asawa. Kaya sana manahimik na raw itong si Kris para hindi na lumalala ang gulo at alang-alang na rin sa kanilang anak.

Balak na nga ni Atty. Kapunan na mag-file ng gag order sa korte para kung ano man ang dapat na pag-usapan nila ay sa korte na lang, hindi sa media.

Apektado raw si James sa mga sinabi ni Kris kaya baka mapilitan na itong magsalita pero pinigilan na lang ng abogado niya.

HINDI PA SURE ‘yung lumabas sa Twitter account ni Dra. Vicki Belo na panalo raw ang Mommy ni Hayden Kho sa Libel na isinampa sa kanya sa Cavite.

Ang alam ko, ito ‘yung Libel case ng dating road manager ni Katrina Halili na si Omar Sortijas.

Tinanong naman ng Startalk crew namin ang abogado ni Katrina Halili na si Atty. Raymond Palad, wala pa raw silang alam tungkol diyan. Hindi pa raw sila na-inform.

Nag-text din kay Atty. Kapunan, ang sabi lang niya magkakaroon pa ng pre-trial dahil nag-fail naman ang mediation. Kaya hindi pa sure iyan kung talagang panalo nga si Mrs. Irene Kho sa Libel case na ‘yun sa Cavite, dahil parang napakaaga pa yata.

Baka naman hindi rin si Dra. Belo ang nag-twit nu’n, ‘di ba? Bongga naman siya kung sobrang pina-follow up nito pati ang kaso ng nanay ni Hayden.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING