Parazzi Chikka: Si Jewel Mische ang kasama: Richard Gutierrez, nagwala sa airport?

Parazzi Chikka: Si Jewel Mische ang kasama: Richard Gutierrez, nagwala sa airport?
Kalat na kalat na marahil ang bagong insidenteng kinasangkutan ng Patient X star na si Richard Gutierrez. Diumano, nagwala ang aktor sa airport nang hindi papasukin five minutes before the departure time. Alam naman siguro ng aktor na ang mga pasahero ay dapat nasa airport na isang oras bago ang flight, hindi ba?

Sinubukan daw gawan ng paraan ni Richard na makapasok pa sa eroplano, pero hindi raw ito pinayagan ng airline. Dahil sa pagkadismaya, nagwala raw ito at dinuruan pa ang boarding pass. Kaloka, ‘noh!

‘Eto pa, isang babaeng maganda raw ang kasama ng aktor. May parazzi girl na nagsabi sa amin na ang dalaga diumano ay si Jewel Mische, ang tinaguriang ‘Girlfriend sa Dilim’ ni Chard. Kaloka talaga!

Sa bagong pasabog tungkol sa relasyong Richard at Jewel, makatatanggi pa ba sila? Ano ba ang ikinakatakot nila at ‘di nila maamin-amin ang tunay na estado ng kanilang pagmamahalan? Ano kayang mese-sey ni Mommy Annabelle dito?

Parazzi Chikka: Si Jewel Mische ang kasama: Richard Gutierrez, nagwala sa airport?

Parazzi Chikka
Parazzi News Service