Si Direk At Si Aktor, Muntik Nang Magtanan!

ADVERTISING

NATARANTA ANG ISANG network nung araw dahil nabalitaan nila na ang alaga nilang  actor na may bahid ng pagkaberde ang dugo ay makikipagtanan sa kanyang dyowa. Wala namang problema, kaya lang, ang itatanan ng actor ay isang baklitang director din na nasa kanilang poder.

Nabahala ang mga executives dahil mawawalan sila ng isang malaking personality sa kanilang roster of talents. Kaagad na gumawa ng paraan ang mga ehekutibo.  Binigyan nila ng bonggang project ang actor. At ang director naman ay ginawan nila ng posisyon para hindi nito maisip na magpunta sa ibang bansa.

ADVERTISING

Ang plano kasi ng dalawang baklitang lovers ay iwan nila ang pamilya at career dito at sa ibang bansa na manirahan. Take note, may asawa ang directed by at may mga anak.

Anyway, nabigyan ng isang bagong show ang directed by. At sa bagong show na ‘yon naman ay nakilala ng lover niyang actor ang isang aspiring actor.

Ang ending? Nawala sa romantic scene ang directed by at naging lovers ang actor at ang baguhan. Natanggap naman ito ng director. Ngayon, happy na siya para sa actor-lover niya at very happy siya sa kanyang bagong position.

ADVERTISING

Mas happy ang network dahil hindi nawala ang actor at patuloy pa rin itong namamayagpag.

(By Alex Brosas)

ADVERTISING