Si Dennis Trillo ang kumalas kay Cristine Reyes?!

KITA N’YO? NAGKABUKINGAN na ngayon na hindi naman pala nag-break noon sina Dennis Trillo at Cristine Reyes dahil kailan lang pala sila tuluyang nagkahiwalay!

Nakarating na tsika sa akin, nu’ng May lang daw sila nag-break at si Dennis pa ang nakipagkalas, dahil hindi na raw nakayanan ang sobrang selosa ni Cristine. Pero, ‘di ba sobrang seloso rin si Dennis?

Pero siyempre tahimik lang si Dennis dahil ayaw na niyang palakihin ito at iniiwasan na niyang pag-usapan. Pero ngayong napapabalita na namang baka matuloy ang pagbabalik ni Cristine sa GMA 7, mabubuhay na naman ang isyu nilang dalawa at heto na nga, ‘Day! Break na pala sila!

Nu’ng nakaraang presscon ng FHM, kung saan si Cristine ang number one sa Sexiest Pinay, inamin na nitong break na nga sila ni Dennis, pero ayaw na niyang idetalye kung ano talaga ang tunay na dahilan at kung sino sa kanila ang nakipag-break.

Sa interview sa kanya ng Startalk, halatang nasasaktan pa rin ito dahil sinabi nga niyang ayaw na niyang umiyak. Matagal din daw niya itong iniyakan at mabuti lang siya ang nahirang na Sexiest Pinay ng FHM kaya masayang-masaya na siya ngayon at todong-todo na raw ang pagpapa-sexy niya.

Tinanong na rin si Cristine na kung sakaling matuloy ang pagbabalik niya sa Siyete, posibleng makatrabaho nito si Dennis. Okay lang naman daw sa kanya, pero parang hindi pa raw siya handa sa ngayon. Siguro magpapalipas muna ng ilang buwan para tuluyan na niyang makalimutan ang aktor.

Tinanong uli ito kung my third party involved sa kanilang break-up. Parang hindi naman convincing ang sagot niyang wala.

Lumabas na ang pangalan ni Kaye Abad na nakitang ka-date daw ni Dennis at si Heart Evangelista na inamin naman ni Cristine na pinagselosan niya. Hindi na pinahaba pa ng young actress ang usapang ‘yun dahil dapat masaya na lang ang pag-usapan dahil nga sa FHM.

Abangan na lang daw siya sa July 9, kung saan doon ilu-launch ang 100 FHM’s Sexiest Women. Dahil siya nga ang number one, bonggang-bonggang pa-sexy raw ang gagawin niya na ikaliligaya ng mga kalalakihan at ikaiinggit ng mga kababaihan, lalo na ng mga babaeng nali-link ngayon kay Dennis. May ganu’n? Sige abangan natin!

ABANGAN N’YO SA Sabado ang Startalk dahil special guest namin si Mommy Dionesia Pacquiao, at ewan ko lang kung maglalaban kami sa ballroom dancing dahil hindi naman ako marunong niyan, ‘no?!

Hinahamon kasi kami ni Joey (de Leon), kaya baka makaladkad na naman ako niyan para makisayaw na rin.

Basta tutukan n’yo ang Startalk sa Sabado dahil tiyak na riot ito.

Siyempre nandu’n ang bagong tambalang Geoff Eigenmann at Carla Abellana para i-promote ang Rosalinda na magsisimula na sa Lunes.

Malaking challenge ito lalo kay Carla, dahil lagi silang naipagkukumpara ni Marian Rivera. Kaya kung nag-hit ang Marimar ni Marian, dapat ganu’n din ang Rosalinda ni Carla.

Tingnan n’yo na lang sa Startalk kung may magic ang loveteam nilang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleBlind Item: ‘Best actress,’ feeling virgin sa matangkad na aktor!
Next articleTago: Ang kuwento ng higanteng dilaw na tutule

No posts to display