Stars Candid: Si Cristine Reyes ang pinaka-seksing Pinay!

Stars Candid: Si Cristine Reyes ang pinaka-seksing Pinay!

CONFIRMED! Si Cristine Reyes na nga ang hinirang ng FHM Philippines bilang pinakaseksing pinay sa taong ito! Tinalo lang naman ni Eva Fonda ang kamandag nina Angel Locsin, Katrina Halili, Angelica Panganiban at ni Marian Rivera, na kinilala bilang numero uno noong nakaraang taon. Tinalbugan sila lahat ng alindong ni Cristine!

Ngayon pa lamang ay may mga naglalabasang chika na marami daw ang hindi masaya sa naging resulta partikular na ang mga tagahanga ng mga matitinding kalaban ni Cristine. Ito na siguro ang pruweba na may sapat ng miyembro ang fanbase ni Cristine at kung inyong matatandaan, positive ang naging reviews sa sexy pictorial ni Cristine para sa nasabing magazine nang lumabas ito dalawang taon nang nakakaraan.

Sabik na ang mga tagahanga ni Cristine na mapanood siyang rumampa at koronahan bilang sexiest pinay. Ang tanong: Ano ang susunod na plano ni Cristine? Alam natin lahat na wala na sa Banana Split ang aktres at hindi pa rin plano kung magbabalik-Kapuso nga ba ito o mananatiling kapamilya. Hmmmm… sana naman may proyekto ito kaagad kundi masasayang lang lahat ng pinagpaguran niya.

Muli, Congratulations Cristine! Pa-burger ka naman!

Stars Candid
by Mica Rodriguez

Stars Candid: Si Cristine Reyes ang pinaka-seksing Pinay!