Si Arjo Atayde at ang pagmamahal niya sa EDDYS Awards

ADVERTISING

Si Arjo Atayde at ang pagmamahal niya sa EDDYS Awards

Si Arjo Atayde at ang pagmamahal niya sa EDDYS Awards
Arjo Atayde

MUCH NEEDED REST. Ito ang kailangan ng aktor na si Arjo Atayde.

 
Matapos ang markadong role niya as the bad cop Joaquin sa “Ang Probinsyano” ay matagal nang gustong magbakasyon ng binata.
 
Kaso, ang bakasyon na yun ay naudlot dahil dumating naman ang magandang break muli sa aktor nang i-offer sa kanya ang MMK episode last Saturday, kung saan ginampanan niya ang rags to riches life story ng sikat na Pinoy Hollywood celebrity designer na si Rocky Garthercole. Humakot na naman ng maganda at positive review mula sa publiko sa klase ng acting na ipinamalas ng aktor.
 
If I’m not mistaken, pang-fourth MMK performance ni Arjo ang Rocky Gathercole life story.
 
Si Arjo Atayde at ang pagmamahal niya sa EDDYS Awards
Arjo Ataydeya sa

The first was yong “Bangka” na sinundan ng kuwento ng isang pari at madre na nagkarelasyon (na na-meet pa ng aktor in person for dinner sa haybols nila ang dalawang katauhan); yong isang baklang’( his first transsexual role) may mga batang inaaruga, at ang latest ay itong ginampanan niya last Saturday.           

 
Kaso heto na naman at ang scheduled vacay niya ay mapo-postpone muli dahil Arjo is performing with Yassi Pressman sa 1st EDDYS Award ng SPEED’s (Society of Entertainment Editors) this coming Sunday at the Kia Theater sa Araneta Center.
 
Kung hindi ako nagkakamali, last niyang trip sa Amerika was during the wedding of Aiza Seguerra and Liza Dino kung saan kasama ng binata ang buo niyang pamilya.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING