Si AJ Raval Raval na ba ang ipinalit ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla? ‘Yes po, puwede po akong ma-in love kay Aljur’

Leo Bukas

INAMIN ng Viva sexy star na si AJ Raval sa interbyu ng PEP na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica. Unang nagkasama sina AJ at Aljur sa pelikulang Nerisa pero wala silang eksena. Si Cindy Miranda ang partner ni Aljur sa movie at si Sean de Guzman naman kay AJ.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami,” direktang pag-amin ng dalaga.

Si AJ Raval Raval na ba ang ipinalit  ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla? ‘Yes po, puwede po akong ma-in love kay Aljur’
AJ Raval and Aljur Abrenica

Idinagdag din niya na totoo din daw na nag-uusap sila ng aktor.

Si Aljur din pala ang tinutukoy ni AJ sa vlog ni Donnalyn Bartolome na manliligaw na special ang treatment sa kanya.

“Yung nag-iisa na yun, ramdam na ramdam ko talaga na special ako,” wika pa niya. Dito rin niya binanggit na naa-appreciate niya ang manliligaw kaya lang hindi pa raw siya handang makipagrelasyon ulit.

“Di pa lang ako ready rin pumasok sa relationship kasi kakagaling ko lang sa relationship,” rason pa niya.

Nagbigay din ng iba pang detalye si AJ sa status nila ngayon ni Aljur at sinabing they care for each other.

Sabi niya, “We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know…”

Para naman kay Kylie, walang isyu kung magkaroon man ng kaugnayan si Aljur at AJ.

Si AJ Raval Raval na ba ang ipinalit  ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla? ‘Yes po, puwede po akong ma-in love kay Aljur’
AJ Raval

“THERE is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this.

“I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” rason pa niya.

Hulyo ng taong ito nang makumpirmang hiwalay na si Aljur at Kylie na ikinasal noong Disyembre 2018.

Nitong Hunyo naman nang kumpirmahin ni AJ na hiwalay na sila ng boyfriend na si Axel Torres matapos ang halos dalawang taong relasyon.

Sa isang hiwalay na interbyu sa DZRH ay inamin din ni AJ na posible talaga siyang ma-in love kay Aljur. Pero hindi raw ito ang kanyang priority ngayon dahil focus daw muna siya sa kanyang career.

“Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao. Possible naman po na ma-in love ako sa kanya,” lahad ni AJ.

Si AJ Raval Raval na ba ang ipinalit  ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla? ‘Yes po, puwede po akong ma-in love kay Aljur’
Aljur Abrenica

Samantala, binanggit din ng dalaga ang istilo ng panliligaw ni Aljur na may pagka-old school daw.

“Pumupunta po siya sa father (Jeric Raval) ko, nagpapaalam po siya sa mother ko, sa family ko.

“Tinatanggap naman po siya. Si Aljur naman po, nakikita naman po nila na totoo po. Maganda po ang intensyon niya. Okay naman po sa tatay ko. May mga advice lang na hindi ko rin naman po siguro puwedeng sabihin ngayon dito,” huling pahayag ni AJ.