Shy Carlos, tinodo ang stunts at sexy scenes sa ‘Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz’

ADVERTISING
Shy Carlos, tinodo ang stunts at sexy scenes sa 'Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz'
Shy Carlos | Photo grabbed from @vivaartistsagency IG account

SI SHY CARLOS ang isa sa mga bida ng bagong horror movie ng Viva Films na ‘Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz’. Pansamantalang nilisan ng young actress ang mundo ng showbiz to deal with personal problems. Naging controversial ang isang mapangahas na episode na ginawa nito in ABS-CBN’s Ipaglaban Mo early this year at wala nang narinig sa dalaga eversince.

She is now back with vengeance via ‘Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz’ with Sarah Lahbati. Yes, horror movie ito, pero super ganda ng mga bida!

ADVERTISING

Without giving spoilers, masasabi namin na hindi ito ang usual horror movie na kadalasan natin napapanood kapag Pinoy ang may gawa. In a way, it has sexy elements at tinodo na nga ni Shy Carlos ang pagpapakitang-gilas by doing her sexy scenes and even stunts na walang double! Required naman kasi sa ginagampanang role ang mga mapangahas na eksena kaya um-okay si Shy at hindi na naging shy.

Umani ng magandang reviews ang performance nina Shy Carlos, Sarah Lahbati at maging si Julian Trono sa katatapos lang na advanced screening ng pelikula. Dahil dito, sana ay magtuloy-tuloy na ang showbiz career ng dalaga dahil sa totoo lang, malaki ang potential niya. Nagkaroon naman na ito ng projects noon sa ABS-CBN at TV5, pero hindi masyadong nai-push.

Maliban sa pelikulang ito na ipapalabas na sa June 28, tinatapos din ng dalaga ang pelikulang Fanboy/Fangirl kung saan suporta siya sa tambalang Julian Trono at Ella Cruz. Wala pang final playdate ang teen movie na ito.

ADVERTISING

Sa telebisyon naman ay wala pang raket si Shy. Try kaya niya sa GMA-7? Tutal, majority ng VAA talents ay nasa Kapamilya network na at siguradong hindi siya ang priority. Suggestion lang po!

ADVERTISING