Showiz couple, namemeligrong maghiwalay dahil sa isang sexy starlet

ADVERTISING

BLIND ITEM: Isang showbiz couple ang namemeligrong magkahiwalay ng landas dahil nga sa isang sexy starlet na siyang naging third party. Mukhang pinipilit pa rin ni Aktresa na ayusin ang kanyang relasyon sa kanyang asawa para na rin sa kanilang naging anak.

Sa isang bubong pa rin sila, pero ang balita namin ay hiwalay na sila ng kuwarto. Sana matauhan na itong si Sexy Star na tigilan na niya ang actor-politician. Magiging homewrecker nga ang titulo niya kapag nagtagumpay siya. Sayang ang samahan ng showbiz couple kapag nauwi sa lahat.

ADVERTISING

Kilala n’yo ba si Sexy Star? Ang kanyang initials, kapag pinagsama mo, makabubuo ka ng isang pangalan ng lalaki.

Si Actress ay baka sumabog oras na matalo siya sa labanan. ‘Yun na.

By Fernan de Guzman

ADVERTISING
ADVERTISING