Showgirl Apreal Tolentino at asawang choreographer na si Rupert Feliciano, ‘di natigil sa hilig

Showgirl Apreal Tolentino at asawang choreographer na si Rupert Feliciano, ‘di natigil sa hilig

Apreal-Tolentino-Rupert-FelicianoKAPAG NASA dugo mo ang showbiz, kahit saan ka man dalhin ng mga paa mo sa paghahanap ng sarili mong tatak sa showbiz, lalabas at lalabas pa rin na “dugong showbiz” ka.

Wala itong ipinag-iba sa anak ng mga dancers na sina Mel Feliciano at Ana Feliciano na si Rupert.

Dahil mga sikat na dancers sa showbiz ang mga magulang, ipinagpatuloy pala ni Patrick ang pagsasayaw bilang isang choreographer sa mga TV shows.

Mana-mana lang ‘yan, ‘ika nga. Kaya nga as a dancer-choreograpger and music disc jockey, hindi na sila nagdalawang-isip ng misis niyang si Apreal Tolentino na ituloy ang legacy ng kanyang mga magulang.

With the official opening of Footworks Dance Studio na matatagpuan sa 4th floor ng Elorde Gym Bldg. along Katipunan Ave. Extension sa may bandang Blueridge, ipinagpatuloy ng husband and wife team ang una nilang nakahiligan.

Si Apreal, dating “showgirl” sa MTB hanggang sa mag-decide na mag-retire na sana. Kaso napangasawa niya si Rupert na hindi pa rin mawala ang hilig sa pagsasayaw, nag-decide ang mag-asawa na magtayo ng dance studio.

Sa grand opening ng studio, ang health buff husband and wife team nina Aubrey Miles at Troy Montero ang naging special guests nina Rupert at Apreal.

Sina Aubrey at Troy ay magiging endorser ng Footworks Dance Studio.

Reyted K
By RK VillaCorta