Showbiz Royalties Saviour Ramos at Lala Vinzon, magtatambal sa ‘Regal Studio Presents: Stop in the Name of Love’

ISANG bagong tambalan na naman ang ipapakilala sa Regal Studio Presents ngayong Sunday, March 20 sa GMA.

Sina Saviour Ramos at Lala Vinzon ang high school sweethearts na may hidden agenda sa episode na pinamagatang ‘Stop in the Name of Love’.

Showbiz Royalties Saviour Ramos at Lala Vinzon, magtatambal sa ‘Regal Studio Presents: Stop in the Name of Love’
LEFT: Saviour Ramos and Leandro Baldemor | RIGHT: Almirah Muhlach and Lala Vinzon

Gagampanan nina Saviour at Lala ang roles na Ryan at Mica, high school sweethearts na pa-level up na dapat ang relasyon nang magulat sila sa rebelasyong magkasintahan din pala ang kanilang single parents na sina Jojo at Susan, na gagampanan naman ng veteran actors na sina Leandro Baldemor at Almirah Muhlach.

Mapusok at mahal na mahal nila ang isa’t isa kaya ayaw nilang maging ‘magkapatid’. Technically ay magiging siblings na sila kung matutuloy ang kasalang Jojo at Susan.

Dahil dito ay pagpaplanuhan ng young lovers kung paano nila isasabotahe ang napipintong pag-iisang dibdib ng kanilang mga magulang, na katulad nila ay mukhang unstoppable din ang feelings sa isa’t isa!

Showbiz Royalties Saviour Ramos at Lala Vinzon, magtatambal sa ‘Regal Studio Presents: Stop in the Name of Love’
Lala Vinzon and Saviour Ramos in Regal Studio Presents: Stop in the Name of Love’

Sa mga hindi nakakaalam, si Saviour Ramos ay anak ni Wendell Ramos at regular na rin na napapanood sa Bubble Gang, habang si Lala Vinzon naman ay dating The Voice finalist na anak ng action/drama veteran na si Roi Vinzon.

Panoorin ang aliw na episode na ito ng Regal Studio Presents na pinamagatang ‘Stop in the Name of Love’ ngayong Sunday, 4:35pm sa GMA pagkatapos ng The Best Ka!