Showbiz personality, ang lakas magsalita ng ‘panget’ sa kapwa, ‘di naman kaguwapuhan!

EVER SINCE, HINDI namin natutunan na magsabi ng, “Ang panget mo!” sa kapwa. Katuwiran namin, sino kami para magsabing pangit ka kung hindi rin naman kami kagandahan, ‘di ba?
Mas naniniwala pa kaming magaganda at guwapo ang mga totoong magaganda at guwapo kapag sila mismo, hindi nila masabing pangit ang kapwa nila.
Honestly, hindi kami naiinis, bagkus naaawa kami sa isang personalidad na ugali na niyang magsabing pangit sa kanyang kapwa. Ni hindi rin namin masabing pangit siya, dahil hindi naman siya pangit. Pero ‘wag n’yo naman kaming piliting sabihing guwapo siya, huh?
Minsan pa ay nakarating sa amin (at confirmed) na sinabi niyang isa kami sa lima niyang “hardcore pangit” sa kanya.  Opinyon niya ‘yon, fine.
Pero gano’n nga yata talaga, ‘no?
Palibhasa hindi siya guwapo, kaya siya na lang ang nagsasabing pangit ang kapwa niya.
Saka kung guwapo siya, sana, hindi siya iniwan ng taong mahal niya, ‘no?
Ah, kaya…
(By Ogie Diaz)

Previous articleRachelle Ann Go is moving on after her break-up with John Prats
Next articleCo-star, naimbiyerna sa binitiwang salita ng kasamahan!

No posts to display