Showbiz mom, nagka-amnesia nang dumami ang datung

ADVERTISING

KASABAY NG pagkuwestiyon—with matching arched eyebrows—kung anong “K” meron ang isang kilalang showbiz mom para mapabilang bilang segment regular sa isang TV show ay ang shocking revelation ng isang kasama sa panulat, “Marami na ngang pera ang fot…h! Ni hindi na niya ‘ko maalalang i-text man lang!” may sumbat factor na sentimyento de kiyeme latik nito.

Hirit pa nito, “Samantalang noon, ‘Day, siya pa mismo ang nangangalampag sa akin para i-booking siya.  Binibigyan na lang niya ‘ko ng komi!”

ADVERTISING

Dahil gets na namin ang ibig sabihin ng aming katsika, hindi na namin ipina-elaborate pa ang mga detalye sa kanilang super friendship once upon a time. “Pero dahil madatung na siya ngayon, of course, hindi na niya ‘ko kailangan sa buhay niya… siya na ngayon ang bumabaysung ng mga boylet!”

Da who ang sikat na showbiz madir na ito? Iligaw na lang natin ang kanyang pagkakakilanlan sa alyas na Estrella Kartada.

By Ronnie Carrasco III

ADVERTISING
ADVERTISING