Showbiz Daddies: Mga Celebrities na Yaya Dad!

ADVERTISING

Showbiz Daddies: Mga Celebrities na Yaya Dad!

NATUTUWA lang ako sa mga photos na nakita ko sa Instagram ng mga showbiz personalities natin na kung hindi busy sa kani-kanilang mga showbiz commitments ay wala silang paki na magpaka-yaya sa mga anak nila.
 
Showbiz Daddies: Mga Celebrities na Yaya Dad!
Dingdong Dantes and Maria Letizia
 
Si Dingdong Dantes, happy na mag-alaga sa anak nila ni Marian Rivera na si  Maria Letizia during his freetime. Now na busy muli ang aktor sa kanyang trabaho bilang bida sa GMA Kapuso Network serye na Alyas Robin Hood (Book 2) at pelikula sa Star Cinema na Seven Sundays (working title pa lang ito) ay tila male-lessen ang pagiging “Yaya Dad” niya.
Showbiz Daddies: Mga Celebrities na Yaya Dad!
Paolo Ballesteros and Kiera
 
Si Paolo Ballesteros naman kapag andito nasa Pinas ang anak na Keira he takes time na mag-bakasyon sa kanyang work para magkasama sila. Naka-base sa US ang anak ni “Trisha” at nakatira kasama ang ina ng anak.
 
Showbiz Daddies: Mga Celebrities na Yaya Dad!
Robin Padilla and Maria Isabelle
 
Si Robin Padilla ay yaya dad ng anak nila ni Mariel Rodriguez. Ang pagaaruga ni Binoe sa anak na si Maria Isabelle (na nag-celebrate ng kanyang ika-8th month recently) ay nakakadagdag lalo sa kamachohan ng action star lalo pa’t isang responsiblidad na ama ito sa anak.
 
Showbiz Daddies: Mga Celebrities na Yaya Dad!
Hayden Kho and Scarlet Snow
 
Si Doc Hayden Kho naman ay super maalaga sa anak nila ni Dra. Vicki Belo na si Scarlet Snow na super cute at isa kami sa mga nagpa-follow sa bagets.
 
Showbiz Daddies: Mga Celebrities na Yaya Dad!
Dennis Trillo and Calix
    
Si Dennis Trillo naman ay yaya dad sa anak na si Calix na only this weekend ay nag-post ang aktor ng photo nila mag-ama very rare sa pagiging very private ni Den as a person.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING