Sam Pinto is FHM’s No. 1 Sexiest Pinay for 2011!

MUKHANG SA WAKAS ay nahinto na rin ang pag-dominate ng mga teleserye queens sa FHM Philippines 100 Sexiest Women Poll. Kung noon ay sina Marian Rivera, Cristine Reyes at Angel Locsin ang itinanghal na ‘sexiest Pinay’ ng nasabing panlalaking babasahin, ngayon ay isang maituturing na baguhan sa showbiz ang nakasungkit ng titulo.

Si Sam Pinto, ang dating PBB Double Up housemate turned Kapuso actress ang Sexiest Pinay ng 2011. Ito ay base sa mga nakalap na text, online and magazine coupon votes. Pangalawa sa listahan si Marian Rivera na sinundan nina Angel Locsin, Cristine Reyes at Solenn Heussaff.

Ang ibig bang sabihin nito ay mas magiging daring na ang dalaga sa susunod nitong FHM cover shoot? Sana nga para matuwa naman ang mga kalahi ni Adan na bumoto sa kanya, ‘noh! Muli, congratulations sa iyo, Sam Pinto!

HEART EVANGELISTA, NAWALAN NG MARAMING PROYEKTO?

Dahil sa pag-iyak ni Marian Rivera na tila humihingi ng simpatya sa mga press people, how true kaya na hindi na raw itutuloy ng GMA-7 ang planong pagsasama nina Dingdong Dantes at Heart E-vangelista?

Noong una pa lang daw kasi ay hindi na kumportable si Marian sa planong ito. Sa August na dapat sisimulan ang shooting ng nasabing teleserye. Samantala, out na rin sa cast ng MMFF entry na Hototay si Heart dahil gusto nilang iwasan ang tensiyon sa pagitan nina Heart at ng isa pang star ng pelikula na si Ruffa Gutierrez.

Matatandaang hindi maganda ang pagkalas ng dalaga sa poder ni Annabelle Rama. Out na rin daw si Heart sa pelikulang Yesterday, Today and Tomorrow dahil kasama na sa cast ang ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales. Naku, sana naman ay maayos ang problemang ito. Marami pa naman ang sabik na mas mapanood si Heart sa big screen.

RITZ AZUL, TULUY-TULOY ANG PAG-ARANGKADA NG KARERA!

Hindi man siya ang grand winner sa reality-based artista search ng TV5 na Star Factor, ‘tila si Ritz Azul ang tunay na ginu-groom ng Kapatid Network into full-pledged stardom. Pagkatapos nitong magbida sa teleseryeng Mga Nagbabagang Bulaklak with Arci Muñoz, sa pelikula naman nakatakdang magpasikat ang dalaga.

Pasok sa cast ng Yesterday, Today and Tomorrow si Ritz at balita namin ay may plano ulit ang kanyang home network na bigyan siya ng solo soap opera. Ano kaya ang masasabi ng hinirang na Star Factor winner na si Eula Caballero rito?

Kung sa bagay, mas malakas naman talaga ang sex appeal ni Ritz over Eula. Huwag na tayong magtaka kung balang-araw ay maging cover girl din ‘yan ng panlalaking magasin. ‘Di ba?
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleYoung actress’ husband has barely 6 months to live?
Next articleKC Concepcion and Piolo Pascual’s relationship destined to be long distance?

No posts to display