Show Twitz:

ADVERTISING

Show Twitz:

Show Twitz: USAP-USAPAN NGAYON SA iba’t ibang social networking sites ang balitang diumano’y lilipat na sa Kapamilya Network ang Kapuso actress na si Nadine Samonte. Ayon sa aming impormante, balak daw itambal ang dalaga kay Piolo Pascual sa upcoming soap opera nito sa ABS-CBN. Nag-umpisa si Nadine ng kanyang showbiz career bilang miyembro ng Star Circle sa ABS-CBN gamit ang kanyang tunay na pangalan bago ito natanggap bilang isa sa 14 finalists ng first batch ng Starstruck. Nagbida na rin sa ilang teleserye ang mestizang aktres, pero kapansin-pansin ang pagtamlay ng kanyang mga proyekto sa GMA-7 sa nakaraang taon. Huling napanood si Nadine sa panghapong teleseryeng My Lover, My Wife. Totoo kaya ang tsikang ito?

ADVERTISING

 

STEF PRESCOTT, NAGPASEKSI NA RIN SA PANLALAKING MAGASIN!

Pagkatapos ni Rich Asuncion, isa na namang Starstruck graduate ang nagpaseksi para sa cover ng FHM Philippines para sa buwan ng Hunyo. Ito ay walang iba kundi si Stef Prescott, ang mestizang make-up artist wannabe ng Siyete.

ADVERTISING

Marami ang nagulat sa paglabas ng sexy cover ng dalaga dahil wholesome ang image nito. Napapanood gabi-gabi sa Captain Barbell si Stef at inaasahan ng iba na mas bibigyan na siya ng pansin ngayon ng Kapuso network. Kinunan sa Boracay ang nasabing pictorial at marami ang nagsasabing maganda ang kinalabasan ng ‘straight-forward’ concept ng set na ito. Makakahabol kaya sa FHM 100 Sexiest Women poll si Stef?

 

VALERIE CONCEPCION, NILAYASAN NA ANG MGA NAGBABAGANG BULAKLAK!

Tuluyan na ngang mamamaalam si Valerie Concepcion sa seryeng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5. Ito ay dahil na rin sa request ng ABS-CBN na dapat ay mag-concentrate ang sexy actress sa 100 Days to Heaven, kung saan ginagampanan niya ang isang mahalagang papel.

Wala namang samaan ng loob sa pagitan ni Valerie at ng Singko dahil maayos namang nagpaalam ang dalaga. Sa katunayan nga, nag-taping pa ito para sa programang Talentadong Pinoy bilang guest celebrity judge. Nakakaloka nga naman kung palipat-lipat ng istasyon ang fans ni Valerie tuwing gabi, ‘di ba?

 

ALESSANDRA DE ROSSI, AMINADONG PROBLEMADO SA PERA!

Kumpirmado na ang pagbabalik ni Alessandra de Rossi sa poder ng GMA-7. Kasali ngayon ang Fil-Ita-lian actress sa upcoming afternoon series na Sentensyada. Makakasama nito sa programa sina Dennis Trillo, Bianca King at ex-boyfriend na si Polo Ravales. Nang tanungin kung bakit ito nagdesisyong bumalik muli sa Siyete, aminado itong ‘financial reasons’ ang nagtulak sa kanya para magbalik-loob sa dating kumpanyang pinagsilbihan. Nakatakdang pumirma ng 2 year exclusive contract si Alex sa Kapuso Network pagkaraan ng mahigit 13 taon ng pagiging freelancer.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING