Show producer Joed Serrano, malaki ang pasasalamat sa mga tumulong sa Celine Dion concert!

ADVERTISING

Show producer Joed Serrano, malaki ang pasasalamat sa mga tumulong sa Celine Dion concert!

Show producer Joed Serrano, malaki ang pasasalamat sa mga tumulong sa Celine Dion concert!
Joed Serrano (in black) with Kin Santos, Tita Flor Santos (Joed’s Angel and co-producer), Celine Dion and Katrina Uy backstage before the concert.

SUPER TENSYON pala ang inabot at nakakaloka ang karanasan ng dating That’s Entertainment member na si Joed Seranno para mabuo ang recent 2 nights concert ni Celine Dion na isinagawa sa MOA.

ADVERTISING

 A few days prior to the deadline for the full payment na matatanggap ng management ng singer, nataranta si Joed dahil kulang ang pera niya para mabuo ang pang-full payment sa primyadong singer para matuloy ang show.

 Nakapagbayad na si Joed ng 50% down payment pero sa napagusapang deadline (na-delay dahil sa isang pangako ng financier ni Joed) para sa full payment ay kinakapa niya a few days prior to his supposed to be departure for Las Vegas, Nevada, USA to meet Celine ang his management at sa gagawin interview ng local media na bitbit ng produksyon para sa promo ng show.

Proud si Joed at pinagmamalaki niya ang malaking tulong ni Kuya Boy Abunda na first time niya na-meet at nakausap in personal para mag-connect sa kanila ng isa rin sa mga angel ng producer na si Tita Flor Santos of Dream Wings Entertainment na siya nagpaluwal ng pang-full payment para kay Celine na dahil sa higpit ng mga management ng mga international artists ay malamang ma-forfeit ang nai-dowpayment na ng mabait na show producer.

ADVERTISING

Kumbaga, nick of time na sa kabaitan ng bagong “angel” ni Joed named Tita Flor at nagawan nito ang diskarte sa naging problem ni Joed.

Gusto pasalamatan ng actor-producer ang Ovation Production nina Renen at Cel De Guia na naghandle ng pagbubuo ng show production; ang anak nila na si Bogie  na ang label ni Joed ay “genius”; sina Kellym Pops, BFF Susan, Louie, Twinny, Gracey, si Ate Cora niyan at si Ryan na malaki ang bahagi sa naging success ng concert.

Sa mga hindi nakakaalam, si Joed ang nagproduce ng concerts nina James Ingram at Katy Perry, The Stylistics at marami pa na mga international acts sa Pilipinas

Para sa Joed Serrano Presents na entertainment production ni Joed, watch out for Patty Austin very soon.

 Sa local concert scene, si Joed ang producer din ng first major concert ni Vice Ganda noon sa Araneta Coliseum.

 Nagtanong siya sa amin:” Okey ba si Barang (Barbra Streisand)?”

Walang kagatol-gatol, sinabi ko na sold out concert ito for sure. Congratulations!

           

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING