SHE’S BACK! Cristina Gonzales, balik-eksena sa showbiz

ANO ANG NAGPABALIK KAY CRISTINA GONZALES SA SHOWBIZ?

FIFTEEN years ang inilagi ni Cristina Gonzales sa Tacloban City kunsaan siya naging public servant.  But currently, she’s based sa Manila kasama ang kanyang pamilya.  May dalawa na siyang anak ngayon – isang 17 at isang 21 years old.

SHE'S BACK! Cristina Gonzales, balik-eksena sa showbiz
Cristina Gonzales

Looking back noong 1990’s, for the record ay ang dami niyang pinagbidahang pelikula, at naging leading lady rin ng maraming sikat na aktor – maging ang genre man ay action, drama, or even comedy.

Now, Cristina is making a comeback sa showbiz as she signed a management contract with Viva Artists Agency at ilang proyekto para sa Viva group of companies.

Bakit nga ba nagdesisyon si Cristina to make a comeback?

“I wanna keep myself active.  I want to keep an active mind.  Showbiz is my first love.  Kinagisnan ko na ito, with my dad (Jose Mari Gonzales).  I wanna do things that make me happy.

“I really thank Boss Vic (Del Rosario) and Veronique (Del Rosario-Corpus) for their trust in me…. I wanna be happy. ”

Naikumpara pa nga ni Cristina ang politics sa showbiz.

‘’Sa showbiz, I enjoy talaga.  I missed the fun.  Sa politics, it’s a serious world and it’s not a joke.  More stressful ang pulitika.

“Pero sa showbiz, ‘wag mo lang seryosohin ang mga intriga kung meron man.  ‘Wag mong personalin kung may problems man.”

SHE'S BACK! Cristina Gonzales, balik-eksena sa showbiz
Cristina Gonzales

From being a councilor to mayor ng Tacloban, ano-ano ba ang masasabi niyang biggest achievements niya sa kanilang probinsiya?

“Under my term, I was able to develop women and children’s shelter.  Dati kasi, wala sa amin ‘yon.  May livelihood projects rin ako, where we taught vocational course, mostly sa mga kababaihan.”

Ano’ng naka-influence sa kanya sa pagbalik sa pag-arte ?

‘’Before pa, na-miss ko talaga ang showbiz.  I lived in Tacloban for 15 years, walang time sa movies and TV.  Then ito nga, I got the offer from Viva, I’ve known them for many years. They offered me something I can’t refuse.

“Na-eenjoy ko talaga ang new management kong ito.   Ang dami na rin nilang platforms like sa cable, TV, and ang bago nilang Vivamax streaming platform. I hope kung may fans man ako dati, nandiyan pa rin sila.”

May kinalaman ba ang desisyon niyang ito sakaling tumakbo siya uli for 2022 Elections?

“We don’t know talaga.  Unpredictable ang politics eh.  Hindi ko pa alam ang desisyon ko for now.

“I’m resting and I’m enjoying my break.  Pero alam mo naman, I can’t also close my doors sa pulitika, ganoon rin ang showbiz.  Pero sa ngayon, I’m glad to be back!” pahayag ni Cristina.

Kring-Kring, as she’s fondly called by her friends in the industry, has just wrapped up work in shooting “Revirginized” ng Viva Films, topbilled by megastar Sharon Cuneta and Marco Gumabao.

Tampok rin sa pelikula sina Albert Martinez at Rosanna Roces, written and directed by Darryl Yap.

Welcome back to showbiz, Ms. Cristina Gonzales!