SHE’S BACK! Anne Curtis may bonggang showbiz comeback sa ‘Luv-Anne’

MATAGAL-TAGAL din hinintay ng madlang pipol ang pagbabalik-showbiz ng nag-iisang Dyosa ng Philippine showbiz. We’re happy to announce that she is back!

Yes, nakatakda na ang bonggang comeback ni Anne Curtis sa showbiz with a very special documentary concert titled ‘Luv-Anne‘ na magaganap sa KTX at Vivamax sa April 30, 2022 at 8pm.

SHE'S BACK! Anne Curtis may bonggang showbiz comeback sa 'Luv-Anne'
Anne Curtis’ ‘Luv-Anne’ concert poster

Dito ay ibabahagi ni Anne ang mga importanteng ganap sa kanyang personal na buhay in the past two years, ang mga taon kung saan nag-concentrate ang aktres sa pagiging asawa ni Erwan at ina ni Dahlia.

“Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne,” pa-teaser ni Anne sa kanyang Instagram at iba pang social media accounts.

VIP tickets for the virtual event, which include a virtual meet and greet with Curtis herself, are priced at P1,750, while regular tickets are priced at P999.

Kahit na aminadong hindi siya magaling na singer, nagagawa pa rin ni Anne na makapag-soldout ng mga concerts just because she is THE ANNE CURTIS. Bongga din ang sales ng kanyang album na tinangkilik ng kanyang loyal fanatics.

Noong una, ang plano ni Anne ay one year lang siya magpapahinga sa showbiz para asikasuhin ang kanyang first baby na si Dahlia. Dahil sa pandemya ay na-extend ito ng dalawang taon at ngayon ay bumubuwelo na sa kanyang pagbabalik sa showbiz partikular na sa noontime show na It’s Showtime kung saan isa siya sa mga original hosts ng programa at patuloy na hinahanap-hanap ng madlang pipol.

Welcome back, Anne Curtis!

Previous articleColeen Garcia balik-acting sa ‘Adarna Gang’ ng Vivamax
Next articleSeo Ye Ji nagsalita na tungkol sa kontrobersiya nila ni Kim Jung Hyun