Sheryl Cruz, wala raw balak pumasok sa pulitika

Sheryl Cruz, wala raw balak pumasok sa pulitika

Sheryl-CruzWALA RAW kabalak-balak na pumasok sa pulitika ang singer/ actress / businesswoman na si Sheryl Cruz at sundan ang yapak ng kanyang pinsang si Senator Grace Poe.
Tsika nga ni Sheryl, “Naku hindi ko forte ‘yan. Hindi ako pampulitika. Mas gusto ko ang mag-concentrate na lang sa pag-arte, pag kanta, at sa pagtataguyod ng business ko. Sa iba na lang ang pagpupulitika.”

Susuportahan na lang daw ni Sheryl ang kanyang pinsang si Sen. Grace kung sakali raw magdesisyon na itong tumakbo sa mas mataas na posiyon sa darating na election sa 2016.
Pero sa ngayon daw, mas nakatutok si Sheryl sa kanyang bagong soap sa GMA 7, ang Buena Familia at sa kanyang album at pagnenegosyo.

John’s Point
by John Fontanilla