Sheryl Cruz, tutok sa pagko-compose ng mga kanta

ADVERTISING

Sheryl Cruz, tutok sa pagko-compose ng mga kanta

Sheryl-CruzHINDI RAW priority ngayon ni Sheryl Cruz ang magkaroon ng bagong pag-ibig lalo na’t masyado siyang busy sa dami ng kanyang trabaho, mula sa pagiging businesswoman, singer, at pagiging artista.
Dagdag pa rito ang pagiging kompositor niya at isa nga sa kanyang komposisyon na inawit ni Jake Vargas ay malakas ang airplay sa Radio entitled “Alaala”. Gusto raw nitong makalikha pa ng mga awitin na aawitin ng mga kababayan nating Filipino.
Medyo nami-miss na rin daw ni Sheryl ang magkaroon ng boyfriend pero hindi daw ito ang kanyang priority. Alam naman daw nito na darating ang tamang oras para magkaroon siya ng kanyang sariling Prince Charming.

ADVERTISING

Kiko-Estrada-Kim-RodriguezKim Rodriguez, blooming dahil sa dami ng trabaho at ‘di dahil sa boyfriend niya

NGITI LAMANG ang isinagot ng magandang GMA teen actress na si Kim Rodriguez sa tanong kung ang dahilan ba ng pagiging blooming nito ay dahil sa ka-loveteam nito, isa sa pinaka-close na lalaki at pinaghihinalaang boyfriend nitong si Kiko Estrada na kasama niya sa My Mother’s Secret.
Ayon nga kay Kim, wala pa sa isip niya ang nagkaroon ng boyfriend. Close friend lang daw nito si Kiko at masaya silang magkasama at magkatrabaho.
Dagdag nga nito na kaya raw siguro blooming siya ay dahil sa dami ng blessings na dumarating sa kanya, kung saan bukod sa kanyang regular teleserye na kanyang pinagbibidahan, may mga bagong endorsement pa ito.

Shaun-Salvador Shaun Salvador, sobrang thankful sa pagkakasama sa TV show

SOBRA-SOBRA ANG pasasalamat ni Shaun Savador, isa sa lead cast ng pinakabagong teen horror/ comedy/ romantic show ng TV5 na ParangNormal sa TV5 management at sa Ideal First Company na pag-aari nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong mapasama at maging isa sa bida sa nasabing TV show.
Ito raw ang kauna-unang regular serye ni Shaun, kaya naman magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman sa pagkakasali sa nasabing once a week serye.
Karangalan nga raw kay Shaun ang makatrabaho ang mga Star Magic talents na sina Ella Cruz, Rye Paolo Santiago, at Andrei Paras, with Nico Nicolas, Jester Hernandez, Mystica, Rubi Rubi, at Joshua Joffe.
Kasama rin sa first episode ng ParangNormal entitled ‘Ghost In A Selfie’ sina Kiray Celis at Eunice Lagusad.

ADVERTISING

Mapanonood na ang ParangNormal starting July 11, 8pm sa Kapatid Network, directed by Jun Lana and Perci Intalan.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING